Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagbibigay ng second booster dose, simula na sa Valenzuela City

Kuha mula Valenzuela City LGU

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pagbibigay ng second booster dose para sa mga senior citizens at mga frontline health workers nay may edad 18 taon gulang at pataas.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga magpapabakuna ng second booster dose ay maaaring magpabakuna sa Valenzuela City Astrodome, Lunes hanggang Linggo, mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Paalala sa mga magpapabakuna na kailangang dalhin ang ValTrace QR Code, VCVax Passport/vaccination card, booster card, valid/government-issued ID na nagpapatunay na senior citizen o frontline health worker, at medical certificate na nakuha sa loob ng nakaraang anim (6) na buwan kung may comorbidity. 

Gayundin, paalala ng pamahalaang lungsod na ang second booster dose ay ibibgay lamang sa mga nakapagpabakuna ng apat (4) na buwan o higit pa ang nakalipas matapos matanggap ang unang booster dose.

Para sa updates, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng lungsod https://www.facebook.com/ValenzuelaCityGov. (Valenzuela City/PIA-NCR) 

About the Author

Alice Sicat

Editor

Feedback / Comment

Get in touch