Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Second booster dose sa Pasig City, umarangkada na

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Simula ngayong araw, Mayo 20, maaari nang mabakunahan ng second booster dose ang mga frontliners (A1), mga senior citizens (A2), at mga immunocompromised individuals na may edad 18 years old pataas sa Lungsod ng Pasig.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga frontline at healthcare workers maging ang mga senior citizens ay maaaring magpabakuna sa Pasig City Sports Complex kada Biyernes, mula 8:00am hanggang 5:00pm. Ang cut-off time ay 3:00pm.

Samantala, ang mga immunocompromised na may edad 18 years old pataas ay maaaring magpabakuna sa SM East Ortigas kada Linggo, muna 8:00am hanggang 5:00pm. 

Ang unang 1,000 walk-ins kada araw ang mabibigyan ng second booster dose.

Paalala rin ng pamahalaang lungsod sa immunocompromised, may comorbidity, or may malubhang karamdaman, at hindi kasali sa A1 at A2 categories na magdala ng medical certificate galling sa kanilang doktor na nagbibigay patunay na sila ay may karamdaman at nire-rekomenda na kumuha ng second booster.

Gayundin, paalala ng Pasig City sa mga A1 at A2 categories na kailangan ay apat (4) na buwan na ang nakalipas mula sa kanilang first booster dose.

Sa mga immunocompromised at may karamdaman, kailangan ay tatlo (3) buwan na ang nakalipas mula sa kanilang first booster dose.

Sa mga magpapabakuna, dalhin din ang vaccination card, Pasig Pass QR code, ballpen. Para naman sa A1, magdala rin ng ID o PRC license.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang Pasig City Public Information Office Facebook page https://www.facebook.com/PasigPIO. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Editor

Feedback / Comment

Get in touch