Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Emerging destinations ng Cordillera, itinataguyod

BAGUIO CITY (PIA) -- Itinataguyod ng Department of Tourism (DOT) ang mga umuusbong na destinasyon sa Cordillera region.
 
Kabilang sa mga ito ang highland town ng Licuan-Baay sa Abra.
 
"I can see that this is the Little Sagada of the Cordilleras, itong Licuan-Baay because of the existence of pine forest around the area, marami 'yan," sabi ni DOT-CAR Regional Director Jovita Ganongan sa ginanap na Network Briefing nitong May 23.
 
Aniya, marami pang maipagmamalaking pasyalan ang Abra gaya ng Kaparkan Falls, Apao Rolling Hills, Panaclisan River, at iba pa.

Sa lalawigan ng Kalinga, maaari namang tunguhin ang Balbalasang National Park sa Balbalan at ang Dangtalan sa Pasil na una nang kinilala ng Slow Food International.
 
"Nakikita nila 'yung sustainable preservation ng tradition in this area at tsaka 'yung food production especially 'yung heirloom rice na tinatawag natin. Here, you can also witness traditional pottery," ani Ganongan.
 
Itinaguyod din nila ang Lubuagan na kilala bilang cultural capital ng Kalinga dahil napanatili ang weaving tradition dito.

Panayam kay DOT-CAR regional director Jovita Ganongan sa ginanap na Network Briefing nitong May 23, 2022.

Ipinagmamalaki rin ang Awichon Village, Lubo Rice Terraces, at iba pa.
 
Sa Apayao, nais ng DOT na itaguyod ang  Lussok Cave at ang Manacota Underground River.
 
"Napakaganda ng lugar na ito, it's actually comparable with Palawan's Underground River. Inikot na rin naman natin ang mga destinations ng Pilipinas  at masasabi nating itong existing na attraction na ito in Apayao ay very competitive siya," saad ni Ganongan.
 
Marami rin aniyang emerging destinations sa lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Mountain Province na nais nilang itaguyod at paunlarin.
 
Binanggit nito na nagsagawa sila ng assessment sa mga destinasyon na ito at ang susunod nilang isusulong ay ang paglalagay ng mga kinakailangang pasilidad upang mas mapaganda pa ang mga pasyalan na ito. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch