Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

EMB-CAR, handang tumulong sa mga LGUs na magtatayo ng ESL

BAGUIO CITY (PIA) -- Tiniyak ng Environmental Management Bureau - Cordillera Administrative Region (EMB-CAR) na bukas ang kanilang tanggapan na magbigay ng anumang tulong sa mga local government units (LGUs) na magtatayo ng sariling Engineered Sanitary Landfill (ESL).
 
Ayon kay EMB-CAR Regional Director Ma. Victoria Abrera, kailangang magkaroon ng ESL ang mga LGUs kung saan, nakasaad umano ito sa batas.
 
"Ito po ay panawagan sa mga local government units na marami po kaming pag-aaral. Kung gusto ninyo ng sanitary landfill, may costing na  at kung kailangan ninyo ng funding, all you have to do is write us and we will submit it to the Central Office for funding," ani Abrera.

Si EMB-CAR regional director Ma. Victoria Abrera sa ginanap na Kapihan on Environment Month nitong May 25, 2022. (PIA-CAR)

Bukod dito, maaari rin silang magbigay ng technical assistance para sa ESL design. Nakapagbigay ang ahensiya ng technical assistance para sa stand alone sanitary landfill design ng anim na LGUs partikular na sa San Juan, Pilar, at Danglas sa Abra; Rizal sa Kalinga; at Bakun at Kibungan sa Benguet.


Para sa clustered ESL design, natulungan nila ang Lamut, Ifugao; Tabuk City, Kalinga. at ang Tadian at Paracelis sa Mountain Province.
 
Sinabi ni Abrera na nagkaroon na rin sila ng assessment sa 22 na lugar para sa ESL. Mula sa pitong na-assess na lugar sa Abra, lima lamang ang feasible, sampu sa Apayao, dalawa sa Ifugao, at tatlo sa Mountain Province.
 
"Ang causes po nito (not feasible), it's either malapit po sila sa underground, or 'yung rock formation, hindi maganda. Kung nasa limestone 'yan, kasi 'pag nilagay ninyo dun, magkukweba 'yan. Or near residential areas," paliwanag ni Abrera.
 

Inihayag naman ng opisyal na patuloy ang pag-monitor nila sa mga kagamitang naipasakamay ng mga pamahalaang lokal gaya ng mga bio shredder at bio composter set.


"We hope that in the future, this will produce 'yung mga plastic product that the LGU can sell. Maganda po ito kasi 'yung kanilang plastics, instead of disposing it to our water or even into our areas, dumping into land, naco-collect ho ito at ginagawang products," saad ni Abrera. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch