Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LTFRB, nagbabala sa TNCS dahil sa labis na singil ng TNVS operators

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nagbabala ang Land Transportation Franchising Regulatory Board matapos mapagalamanan na may mga Transport Network Companies (TNCs) na naniningil umano ng labis na pamasahe na lampas sa itinalagang fare structure sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2019-036 para sa Transport Network Vehicles (TNVS).

Sa ilalim kasi ng nasabing Memorandum, ang flagdown rate para sa sedan-type TNVS ay P40.00, na may P15.00 fare per kilometer, at P2.00 per minute travel fare. Para sa Premium AUV/SUV, ang flagdown rate ay P50.00 na may P18.00 per kilometer fare, at P2.00 per minute travel, habang ang Hatchback o Sub-compact TNVS ay P30.00 flagdown rate, na may P13 per kilometer fare rate, at P2.00 per minute travel fare.

"Habang ang surge rate na may doubleng kabuuan na fare per kilometer, at per minute travel ay applicable para sa lahat ng uri ng TNVS," ayon sa LTFRB.

Sa kabilang banda, kasalukuyang iniimbestigahan ang isang anonymous complaint na natanggap ng LTFRB, kung saan napag-alaman na may TNC na naniningil di umano ng aabot sa PhP1,000 para sa one-way ride na tinatawag na ‘Priority Boarding Fee.’

Kung kaya’t noong ika-24 ng Mayo 2022, nagpadala ng sulat ang nasabing ahensya sa E-pick Me Up, Ipara, Joy Ride, My Taxi PH (Grab), at Cloud Panda (mga accredited TNC), upang magbabala laban sa pagpapataw ng labis na pamasahe na taliwas sa kasalukuyang TNVS fare guidelines.

Bagama't hindi direktang nakatanggap ng anumang reklamo ang LTFRB ukol sa ibang TNCs, nakita ng ahensya na nararapat pa rin na sumulat sa kanila upang paalalahanan ng mga maling gawa katulad ng nabanggit.

Bukod dito, pinapaalalahanan ng LTFRB ang mga TNC na batay sa MC No. 2015-016-A o mas kilala bilang Terms and Conditions of a Certificate of Transportation Network Company na kinakailangan nilang gawing ‘transparent’ ang rate structure bago kumpirmahin ng commuters ang kanilang byahe.

Samantala, magtatalaga ang ahensya ng mga mystery rider sa mga susunod na araw para suriin ang pagsunod ng TNCs at TNVS operators sa tamang rate structure at MC terms and conditions. Anumang TNC at/o TNVS na mahuling lumalabag dito ay sasailalim sa mga multa at parusa na nakasaad sa Joint Administrative Order 2014-01. (PIA-NCR)
Hinihikayat ng ahensya ang lahat ng riding public na gumagamit ng TNVS na i-report kaagad ang anumang iregularidad na mararanasan sa nabanggit na ride-hailing sa pamamagitan ng LTFRB hotline number na 1342 o sa LTFRB Facebook page.

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch