Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PPA nagsagawa ng ocular inspection ng mga daungan sa Itbayat

ITBAYAT, Batanes (PIA) - - Nagsagawa ng ocular inspection at assessment para sa Tachimus Port sa islang bayan ng Itbayat ang Philippine Ports Authority (PPA) kasama ang mga lokal na opisyal ng lalawigan at ng bayang ito.

Ayon kay Provincial Information Officer Justinne Socito, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng plano ng PPA na magsagawa ng feasibility study at master plan para maisaayos ang Valanga at Chinapoliran Ports.

Sa isinagawang consultative meeting kamakailan na dinaluhan ni Governor Marilou Cayco at ng iba’t ibang mga stakeholder, binigyang diin ng gobernador ang kahalagahan ng pagpapatayo ng pantalan sa Tachimus lalo na sa panahon ng habagat kung saan hirap ang mga bangka na dumaong sa Valanga at Chinapoliran Port.

Ang problema na ito sa pagdaong ay siyang nagiging dahilan ng laging pagkaantala sa suplay na pagkain at kagamitan at pagbibyahe sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas. 

Dagdag naman ni Socito, ang pagsasakatuparan sa Tachimus Port ay inaasahang makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Itbayat lalo na sa agrikultura, turismo, at pagkakaroon ng sapat na dami ng pagkain. (JKC/PIA BATANES/With reports from Christine E. Barbosa/Photos from the Batanes Prov’l Gov’t)

Nagsasagawa ng ocular inspection and mga tauhan ng PPA at lokal na pamahalaan para sa mga daungan sa Itbayat, Batanes.

About the Author

Jan Karl Coballes

Regional Editor; Research and Development Officer; Tuguegarao City and Batanes Information Center Manager

Region 2

Ibanag. Writer. Researcher. Ethnographer. Ethno-historian. Graduate student focusing on linguistic and cultural anthropology.

Feedback / Comment

Get in touch