Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga kalahok sa Gawad Kalasag 2022 sinuri na

LUNGSOD NG TUGUEGARAO, Cagayan (PIA) - - Sinuri na ng mga piling miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) region 2 ang mga kalahok sa Gawad Kalasag 2022 search. 

Dalawa ang nominado para sa Private Organization category na kinabibilangan ng SN Aboitiz, isang power generating company sa Ramon, Isabela, at ang Oceana Gold, isang minahan ng ginto sa Kasibu, Nueva Vizcaya. 

Sinuri ng validating team ang kahandaan ng bawat kumpanya sa pagresponde tuwing may sakuna at kung ano ang kanilang mga programa at proyekto para maibsan ang matinding epekto ng mga sakuna sa kanilang kumpanya. 

Sa inisyal na pagsusuri ng grupo, parehong nagpakita ng ibayong kahadaan at katatagan ang dalawang kumpanya sa aspeto ng disaster prevention at mitigation, sa pagresponde at pagtulong sa mga sinalanta, at sa rehabilitasyon. 

Namangha rin ang validating team sa milyun-milyong halaga ng mga proyekto na pinondohan at itinayo ng magkabilang kumpanya sa kani-kanilang mga host community at maging sa iba pang mga lugar na kanilang tinulungan. 

Ayon kay Mary May Baclig ng Office of the Civil Defense (OCD) magkakaroon pa ng finalization meeting ang validating team upang malaman kung sino ang higit na may laban para sa nasyunal na antas. 

Ang mga kalahok naman sa Local Government Unit category ay ipinasakamay na sa Department of the Interior and Local Government dahil kabilang na ang Gawad Kalasag sa mga batayan para sa Seal of Good Local Governnance. 

The Safety Officer of SN Aboitiz discusses the operations of the company on disaster risk reduction with the members of the Gawad Kalasag validating team.

Bahagi ng validating team na pinangunahan ng OCD ay ang mga tanggapan ng Philippine Information Agency, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Philippine National Police, Philippine Red Cross, at ang Bureau of Fire Protection. (OTB/PIA Cagayan) 

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch