Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

26 magsasaka ng mais sa Balayan, nakatanggap ng fuel discount card

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Namahagi ng fuel discount card ang Department of Agriculture (DA) IV-A sa 26 na magsasaka ng mais mula Balayan, Batangas nitong Hunyo 13.

Bahagi ng programang Fuel Discount Program ng DA ang pamimigay ng diskwento para sa mga kwalipikadong magsasaka na labis na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Bawat discount card ay naglalaman ng P3,000 na maaaring magamit bilang pambili ng gasolina mula sa mga katuwang na gasolinahan ng kagawaran.

Upang maging benepisyaryo ng programa, kailangang rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture at may katibayang nagmamay-ari sila ng makinaryang pangsaka.

Target ng DA 4-A na maabutan ng kaakibat na tulong ang nasa 587 magsasaka sa lalawigan ng Batangas. — CH, PIA4A (may ulat mula DA 4-A)

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch