Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOH-2 patuloy sa pagbabakuna kontra COVID-19

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Patuloy na tumatanggap ng mga walk-in na gustong magpabakuna kontra COVID-19 ang Cagayan Valley Center for Health Development.

Sa abiso nito kahapon, inilabas ng kagawaran ang iskedyul ng pagbabakuna simula ngayong araw (Hunyo 20) hanggang sa Biyernes (Hunyo 24).

Ngayong araw, bukas ang vaccination area ng kagawaran para sa mga indibidwal edad 12 pataas na tatanggap ng kanilang first, second primary dose, first booster at second booster. Prayoridad ang mga indibodwal na kabilang sa A1 (A1.1-A1.7) o mga health worker at mga A2 o senior citizens.

Parehas sa mga nabanggit na indibidwal sa itaas ang naka-iskedyul sa Hunyo 22 (Miyerkules) at Hunyo 24 (Biyernes).

Bukas, Hunyo 21 (Martes) at sa Hunyo 23 (Huwebes), nakalaan naman ito para sa Pediatric Vaccination na may edad lima hanggang 11 taong gulang na tatanggap ng kanilang first and second doses.

Dalhin lamang ang Birth Certificate ng mga bata at Valid ID ng magulang o Proof of Guardianship para sa mga guardian para sa mga paunang turok at vaccination card para sa second or booster dose.

Pinapaalalahanan pa rin ng kagawaran na panatilihin ang tamang pagsusuot ng face mask, magsanitize ng kamay gamit ang alcohol-based sanitizer at panatilihin ang physical distancing. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

Dje, as he is fondly called by his colleagues, is a blogger and volunteer during weekends, a government information officer during weekdays, a licensed professional teacher and registered ECT by profession and has an intimate relationship with writing.

Feedback / Comment

Get in touch