Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos, kasado na

LUNGSOD NG QUEZON (PIA) -- Puspusan na ang paghahandang isinasagawa isang linggo bago ang Inaugural and Oath Taking Ceremonies ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nakatakdang ganapin sa National Museum sa Hunyo 30, 2022.

Upang matiyak ang seguridad at maging handa sa posibleng scenario ay nagsagawa ng simulation exercises gaya ng bomb drill at rally demonstration ang Manila Police District.

Ayon naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga sumusunod na kalsada ay isasara sa paligid ng venue upang matiyak ang maaayos na pagdaraos ng inagurasyon:

JUNE 26, at 12:01 AM to JUNE 30, 11:00 PM

  • Padre Burgos Avenue 
  • Finance Road 
  • Ma. Orosa Street - from TM Kalaw to P. Burgos
  • General Luna Street - from P. Burgos to Muralla Street

JUNE 30, 4:00 AM to 11:00 PM

  • Ayala Boulevard
  • Victoria Street - from Taft Avenue to Muralla Street 

JUNE 29, 12:01 AM to JUNE 30, 11:00 PM

  •  Mendiola Street  

JUNE 30, 4:00 AM TO 11:00 PM

  • Jalandoni Street, PICC, Pasay City 

JUNE 30, 1:00 PM to 11:00 PM

  • Legarda Street - from San Rafael to Figueras Street


Samantala, inaabisuhan naman ang mga motorista nang mga alternatibong ruta upang hindi maabala:

Public utility and private vehicles

  • Northbound vehicles na magmumula sa Roxas Blvd. ay dapat kumanan sa U.N. Avenue o Kalaw Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa Taft Avenue upang makarating sa destinasyon.
  • Eastbound vehicles na magmumula sa Roxas Blvd. ay dapat kumaliwa sa Kalaw Avenue o U.N. Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Taft Ave. upang makarating sa destinasyon.
  • Ang lahat ng sasakyang papunta sa Jalandoni St ay maaaring dumaan sa Atang Dela Rama o Roxas Blvd
  • Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa Sampaloc area Earnshaw St. na balak dumaan sa Legarda St. ay dapat kumaliwa sa Manrique St. para makarating sa destinasyon.
  • Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa Sta. Mesa area via Legarda St. na nagbabalak dumaan sa Mendiola St., dapat kumanan sa M.F. Jhocson St., kumaliwa sa Lardizabal St. para makarating sa destinasyon.
  • Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa P. Casal St. na nagbabalak dumaan sa Mendiola St. ay dapat kumaliwa o pakanan sa Arlegui St. upang makarating sa destinasyon.
  • Ang lahat ng sasakyan na magmumula sa Quezon Blvd. at C.M. Recto Ave na nagbabalak dumaan sa Mendiola St. kumaliwa sa N. Reyes St. o pakanan sa S. H. Loyola upang marating ang destinasyon.

Trucks

Going Northbound

  • Lahat ng northbound trucks mula sa South Luzon Expressway (SLEX): Dumaan sa Osmeña Highway, kumaliwa sa Quirino Ave. pagkatapos ay kumanan sa Roxas Blvd., diretso sa Bonifacio Drive papunta sa destinasyon. Ngunit sa Hunyo 30, ang Roxas Blvd mula Buendia hanggang P. Burgos ay isasara mula 5:00 am hanggang 5:00 pm.
  • Mula sa SLEX, dumiretso sa Osmeña Highway pagkatapos ay kumanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St. at sa Lacson Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa Yuseco St., diretso sa Capulong St. pagkatapos ay kumanan sa R-10 Rd. upang makarating sa destinasyon. Ngunit sa Hunyo 30, ang Roxas Blvd mula Buendia hanggang P. Burgos ay isasara mula 5:00 am hanggang 5:00 pm.

Going Southbound

  • Ang lahat ng southbound trucks: Mula sa Bonifacio Drive, dumiretso sa Roxas Blvd., kumaliwa sa Quirino Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Osmeña Highway at dumiretso sa SLEX upang makarating sa destinasyon.


Alternate routes from North to South of Metro Manila

  • Mula sa R-10 via C3, Sgt. Rivera St., Araneta Avenue upang makarating sa destinasyon.
  • Mula sa McArthur Hi-way at NLEX via EDSA upang makarating sa destinasyon.
  • Mula sa Balintawak via Metro Manila Skyway upang makarating sa destinasyon.

Alternate routes from South to North of Metro Manila

  • Mula Roxas Blvd. via EDSA upang makarating sa destinasyon.
  • Mula SLEX via C5 hanggang Congressional Avenue papunta sa Mindanao Avenue upang makarating sa destinasyon.
  • Mula sa SLEX via EDSA upang makarating sa destinasyon.
  • Mula sa SLEX via Metro Manila Skyway upang makarating sa destinasyon.

Sa mga nais namang masaksihan ang inagurasyon ay pinapayuhang maglakad na lamang papunta sa venue o di kaya ay mag-park ng kani-kanilang sasakyan malayo sa venue.

Gayundin, muling paalala na huwag magdadala ng mga patalim or armas, mga alagang hayop, lobo, alak at maging tents. Bukod pa dito ay ipinagbabawal din ang pagsusuot ng sando at tsinelas.

Pinapayagan naman ang pagdadala ng transparent o see-through bags, tubig na nasa transparent containers, payong o kapote, cellphone at camera.

Subalit, ipagbabawal naman ang pagpapalipat ng drone sa one-kilometer radius ng National Museum.

Sususpindihin din ang Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa Maynila at Pasay City mula alas-6 ng umaga ng Hunyo 27 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 1.

 “Only members of the PNP, AFP [Armed Forces of the Philippines], and other law enforcement agencies who are performing official duties in prescribed uniforms will be authorized to carry firearms,” ayon kay NCRPO director Police Maj. Gen. Felipe Natividad.

Inaasahang 2,000 MMDA personnel mula sa kanilang Traffic Discipline Office, the Metro Public Safety Office, at Sidewalk Clearing Operations Group ang ide-deploy para sa traffic management, clearing operations, at emergency response.

Magpapadala rin ng mga tow truck at ambulansya sa mga strategic na lugar para sa mabilis na pagtugon kung kinakailangan. (KSAA – DDCU)


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Office of the Deputy Director-General-Digital Development Communications Unit of Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch