Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LTFRB, NV PLGU, naglunsad ng ‘Libreng Sakay’ para sa PLGU workers

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Inilunsad ng provincial government at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay’ upang matulungan ang mga manggagawa ng PLGU sa gastusin sa transportasyon.

Ayon kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, ang ‘Libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay’ program ng PLGU ay popondohan mula sa Service Contracting Phase 4 ng LTFRB.

Sa ilalim ng Service Contracting, babayaran ng LTFRB ang mga kwalipikadong transport cooperatives at tradisyunal na mga pampublikong sasakyan para sa transportasyon ng mga manggagawa ng PLGU sa pagpasok sa kanilang mga trabaho.

“Sa Service Contracting Phase 3, may P105 million na pondo ang nailaan para sa ‘Libreng Sakay’ sa ating mga mamamayan at mahigit 4 million na mananakay sa Cagayan Valley na ang nabenepisyuhan nito,” pahayag ni Cabase.

Ayon pa sa kanya, mag-uumpisa ang ‘Libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay’ ng PLGU sa susunod na buwan.

Ayon kay Provincial Administrator Maybelle Dumlao-Sevillena, mahigit 400 na manggagawa ang unang mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay’ ng PLGU.

“ Isasailalim muna sa orientation ang ating mga manggagawa upang maituro sa kanila ang mga ruta ng mga pampublikong sasakayan,  lugar ng antayan at terminal kung saan sila sasakay ,” pahayag ni Dumlao-Sevillena.

Ayon pa sa kanya, hiniling ng PLGU ang tulong ng LTFRB upang maipatupad ang ‘libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay’ upang matulungan ang mga PLGU workers at drivers na maibsan ang kanilang gastusin at pagod dahil sa kinakaharap na COVID-19 Pandemic at pagtaas ng presyo ng krudo at mga bilihin dahil sa kasalukuyang digmaan ng Russia at Ukraine.

“Makakatipid din ang ating PLGU sa programang ito dahil mababawasan ang paggamit ng mga sasakayan ng PLGU. Tulong na rin ito sa ating mga drivers na palagiang nagsisilbi ng maaga at lagpas sa oras kung umuuwi, “ pahayag pa ni Dumlao-Sevillena. (BME/PIA NVizcaya)


About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch