Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsugpo ng marijuana sa Tinglayan, tinututukan

TINGLAYAN, Kalinga (PIA) -- Puspusan ngayon ang ginagawang hakbang ng Philippine Drug Enforcement Agency - Cordillera (PDEA-CAR) katuwang ang partner agencies nito upang masugpo ang problema sa marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
 
Ayon kay PDEA-CAR Assistant Regional Director Iav Seymoure Darius Sanchez, tinanggap nila ang hamon na pangunahan ang pagpapatupad ng anti-marijuana eradication campaign sa bayan.

Si PDEA-CAR Assistant Regional Director Iav Seymoure Darius Sanchez sa ginanap na 2nd Quarter Regional Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (RICAD) at RICAD Law Enforcement Cluster Meeting nitong June 27, 2022. (PIA-CAR)

Una nang inaprubahan ng Cordillera Regional Peace and Order Council ang mosyon para maging isa sa flagship programs ng konseho ang anti-marijuana campaign mula 2022 hanggang 2025.
 
"Inengage namin si mayor ng Tinglayan obtaining the copy of his proposed programs to address the marijuana problem," binanggit ni Sanchez.
 
Aminado ito na hindi kaya ng mga law enforcement agencies na sila lang ang gagawa ng aksyon upang mapigil ang suliranin sa ilegal na droga kaya kinakailangan aniya ang tulong ng bawat isa, hindi lang ng mga kawani ng pamahalaan kundi maging ang mga nasa pribadong sektor at organisasyon.

"Hindi lang kaya ng law enforcement but on the other side of the coin naman is 'yung ating preventive advocacy that could help us also in combatting this one," giit ng opisyal.
 
Nitong Hunyo 26, 2022, sinira ng operatiba ang kabuuang 310,000 na full grown marijuana plants sa barangays Buscalan, Butbut Proper, at Loccong. Ang mga ito ay tinatayang nagkakahalaga ng P62-million. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch