DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte, June 29 (PIA) -- Masinsinang ipinatutupad ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng nanunungkulan sa rehiyonal, probinsyal, lokal na pamahalaan, at sa mga kinauukulan na isulong ang market competition, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 44, Series of 2021 ng Republic Act No. 10667 o Philippine Competition Act.
Ito ay makakatulong upang mas umunlad ang ekonomiya ng bansa.
Sa pamamagitan ng pag-iimplementa sa itinakdang patakaran, magkakaroon ng patas na kompetisyon sa pamilihan at maiiwasan ang hindi mabuting gawain sa pagnenegosyo.
Mabibigyan rin ng proteksyon ang publiko laban sa anumang modus operandi na makasisira ng imahe sa aspetong pang-ekonomiya.
Kaugnay nito, nagbaba ang Pangulong Duterte ng Administrative Order No. 44, Series of 2021 na nag-uutos sa buong bansa na ipatupad ang National Competition Policy para sa seguridad ng sektor ng pagnenegosyo, pribado man o pampubliko. (RVC/EDT/LMR/ PIA- Zamboanga del Norte)