No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kauna-unahang Youth Summit sa bayan ng Ivana, isinagawa

IVANA, Batanes (PIA) - -Isinagawa ng Sangguniang Kabataan (SK) sa bayang ito ang kauna-unahang Youth Summit sa pakikipagtulungan ng Municipal Welfare and Development Office at ng lokal na pamahalaan kamakailan.

May temang ”Kahenakan du IVANA: makpeh, mañib kanu mapiya su anud a maysidusidung du paypapiyan nu kavahayan” o "Kabataan ng Ivana: Nagkakaisa, magalang, nagtutulungan para sa ikabubuti/ ikauunlad ng Bayan" sa wikang Filipino, layunin ng youth summit na linangin ang kakayahan ng mga kabataan sa iba't ibang aspeto.

Ang apat na araw na aktibidad ay isinagawa sa Municipal Town Plaza at dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba't ibang barangay sa  Ivana  kung saan tinalakay ang mga paksa tungkol sa kahalagan ng kalusugan, values education at psychosocial services.

Isa sa aktibidad na ginawa sa apat na araw na youth summit ang basic training sa water search and rescue na pinangunahan ng Batanes Coastguard.

Ayon kay Provincial SK Federation President Norman Enego layunin ng apat na araw na youth summit na dagdagan at pahusayin ang mga kaalaman, kasanayan at kakayahan sa pamumuno ng mga dumalo upang magkaroon sila ng kumpiyansang makisalamuha at makipag-ugnayan hindi lamang sa sektor na kanilang kinabibilangan kung maging sa ibang sektor ng lipunan.

Sa panig ng Ivana Municipal Police Station, ibinahagi naman ni Police Lt. Marjorie Ballada ang mga batas na may kinalaman sa pagsusulong sa mga interes at kapakanan ng sektor ng kabataan.

Naturuan din ang mga dumalong kabataan ng basic water search and rescue training mula sa mga kinatawan ng Philippine Coast Guard na nakabase sa nasabing bayan at basic first aid training mula sa Municipal Health Office.

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ang mga dumalo sa apat na araw na aktibidad ng community service, coconut tree planting, fun run, group activity, music and arts festival, at isports. (MDCT/CEB/PIA Batanes/Photos from Maynard Agudo)

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch