Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Operasyon Kaogmahan nabenepisyohan ang 300 pamilyang apektado ng pagputok ng Bulusan

LUNGSOD NG LEGAZPI (PIA) --Napangiti at napasigla ng Operasyon Kaogmahan ang halos 300 pamilya sa Barangay Rangas, Juban, Sorsogon nitong Biyernes.

Ang mga benepisyaryo ay ang mga pamilyang naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan nang nakaraang buwan.

Bukod sa educational supplies, namahagi rin ng food packs, face masks, water gallons at iba pang supplies ang iba’t ibang sangay ng gobyerno, non-government organizations, educational institutions at mga stakeholders.

Nagbahagi rin ng health assistance at libreng gupit ang naturang psychological activity. Iba-ibang pakulo at palaro ang nagiwan ng tuwa sa mga residente.

DOLE Bicol Information Officer Johanna Vi Gasga distributes Arroz Caldo to kids in Brgy. Rangas, Juban, Sorsogon. This is part of the Psychosocial activity conducted by the members of the Tsokolate at Pandesal.

Ang aktibidad ay handog ng mga miyembro ng Tsokolate at Pandesal (TAP), isang samahan na binubuo ng iba’t ibang NGAs, NGOs, HEIs at stakeholders na may layuning magsagawa ng community relations services sa pangunguna ng 9th Civil-Military Operations Kaagapay Batallion.

Ayon kay Barangay Rangas Captain Corazon Gonzaga, malaking bagay ang mabisita ng iba’t ibang ahensya ang kanilang komunidad.

"Hanggang ngayon, yung lahar ay nasa kalapit na ilog kaya ang mga tao ay hindi pa rin nakakahanap-buhay. Itong activity po na ito ay mahalaga para sa amin, para maibsan ang stress na kanilang nararanasan," ani Gonzaga.

Ayon naman kay Carmen Hagos, 63, malaki ang maitutulong ng mga face mask, bigas at pagkain na kanilang natanggap. Lubos rin siyang nagpapasalamat sa mga miyembro ng TAP na bumisita at nagbigay ng tulong. (PIA5)

Naghatid ng serbisyong medikal ang mga volunteers mula sa Philippine Red Cross sa isinagawang psyhosocial activity sa Juban, Sorsogon.

About the Author

Keren Anne Bernadas

Writer

Region 5

In the service of Him who governs the whole world

Feedback / Comment

Get in touch