Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Public health education paiigtingin laban sa muling pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) -- Hiniling ng health officials sa healthcare workers na dagdagan pa ang pagsisikap na kumbinsihin ang mamamayan na magpa-booster shot na upang mapigilan ang muling pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ito ang pangunahing hakbang na napagkasunduan sa pulong na kung saan tinalakay nina Provincial Health Officer Renato Bolo Jr. at Provincial DOH (Department of health) Officer Gladys Escote ang tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Sorsogon nitong July 13, 2022.

Diniinan nina Dr. Escote at Dr. Bolo ang napatunayan ng World Health Organization na bakuna ang nagbibigay ng proteksyon sa tao laban sa SARS-Cov2, ang virus na sanhi ng COVID-19.

Pinuna sa pulong ang estado ng COVID-19 vaccination ng lalawigan na sa kasalukuyan ay mababa lalo na sa booster shot. 

Ani Escote at Bolo, hindi rin dapat magpakampante ang mamamayan pagdating sa pagsunod sa minimum safety protocols sa pampublikong lugar o sa sariling bahay man.

Kailangang patuloy na sundin ng publiko ang mga ipinatutupad na minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing lalo na sa pampublikong lugar, regular na paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Escote kung may nararamdamang sintomas ay agad na magpa-antigen test at ipagbigay alam sa otoridad kung sakaling magpositibo sa COVID-19, upang makapagsagawa ng contact tracing at maiwasan ang pagkalat nito.

Aniya, mahalaga ring sundin ang nararapat na pag-quarantine at isolation upang masiguro ang kaligtasan ng mga kasama sa tahanan o trabaho.

Sa kanyang bahagi, binigyang papuri ni Governor Jose Edwin Hamor ang health care workers ng lalawigan sa ginagawa nilang serbisyo sa mga Sorsoganon.

Inulit ng gobernador ang kanyang pangako na kanyang susuportahan ang anumang hakbang ng healthcare workers upang mas mapagsilbihan ang mga Sorsoganon.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng PHO nung Linggo, July 17, 2022, may 50 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan. (PIA 5/Sorsogon)
 

Gov. Hamor binigyang papuri ang mga Health Care workers sa Sorsogon
Dr. Renato Bolo Jr., PHO Sorsogon Officer

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch