Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘Sa Booster, PINASLAKAS,’ inilunsad sa lungsod ng Calapan

‘Sa Booster, PINASLAKAS,’ inilunsad sa lungsod ng Calapan

Iprinisinta ni Dr. Mathew Medrano ng DOH Mimaropa ang mga datos at tamang impormasyon na kailangang maganap sa loob ng unang 100 araw ng administrasyon ni Pang. Bongbong Marcos Jr. hinggil sa pagbabakuna at pagkakaroon ng booster shots ng mga Pilipino. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-Ormin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – “Sa loob ng unang 100 araw ng bagong administrasyon, aming paiigtingin at palalakasin ang kampanya sa pagpapabakuna ng mga Pilipino.” Ito ang naging pahayag ni Dr. Mathew Medrano ng Department of Health (DOH)  Mimaropa sa isinagawang paglulunsad ng ‘Sa booster, PinasLakas’ na isinagawa sa activity area ng NuCiti Calapan Central Mall sa lungsod na ito kamakailan.

Ayon sa datos na iprinisinta ni Medrano, 77.68 porsiyento  ng mga senior citizens ang fully vaccinated na sa pamamagitan ng nasabing programa na ang layunin ay paabutin ito ng 90 porsiyento dahil isa sila sa pinakaapektadong sektor na maaaring tamaan ng nasabing nakababahalang sakit.

Isinagawa ang ceremonial booster shots sa limang stakeholders para sa programang 'Sa Booster, PINASLAKAS' na isinagawa sa isang mall sa lungsod ng Calapan kamakailan. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Bukod dito ay hangad din ng programa na pataasin pa ang porsiyento ng mga nabakunahang mamamayan at mabigyan din ng booster shots. Ayon sa pag-aaral, nasa 19.48 porsiyento pa lamang ng kabuuang target na populasyon ang nakatanggap ng mga booster shots na ang layunin ay itaas pa sa 50 porsiyento ang mabigyan ng booster.

Kailangan din anya na sapat na ang dami ng nabakunahan o herd immunity upang makamit ang endemic stage. At kung mangyari ito ayon pa kay Medrano, maaari ng irekomenda na tanggalin na ang mandato ng pagsusuot ng facemask gayundin ang alert level system na siyang nais mangyari sa loob ng 100 araw.

Samantala, matapos ang nasabing pagprisinta ng mga datos, isinagawa ang ceremonial booster vaccination sa limang mamamayan upang hikayatin ang magpa-booster ng sagayo’y maging ligtas at maiwasan na tamaan ng COVID-19.

Nagkaisa ang mga stakeholders sa pamamagitan ng kanilang mga bisig bilang pagsuporta sa programa ng DOH ang PINASLAKAS. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Dumalo din sa nasabing aktibidad si Provincial Administrator Dr. Hubbert Christopher Dolor na kumatawan kay Gob. Humerlito Dolor, Bise Gobernador Ejay Falcon, City Mayor Marilou Morillo, Provincial Health Officer Dr. Cielo Angela Ante, Provincial DOH Officer Dr. Eunice Ilagan at mga stakeholder na kapwa nagbigay ng mga mensahe bilang pagsuporta sa nasabing programa ng kagawaran ng kalusugan. (DN/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch