Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Laoag City, nakiisa sa PinasLakas booster shot roll out

LUNGSOD NG LAOAG, Hulyo 28 (PIA) – Hindi nagpahuli ang lungsod ng Laoag sa paglunsad ng PinasLakas COVID-19 booster shot rollout nitong Martes sa Laoag City General Hospital (LCGH).
 
Pinangunahan ng Provincial Department of Health Office (PDOHO), katuwang ang lokal na gobyerno ng Laoag City ang programang ito na nais na bakunahan ng booster shot ang 90% ng senior citizens (A2) at 50% na eligible population sa bansa sa loob ng unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
 

Pumila ang ilang mga residente sa Laoag City General Hospital (LCGH) upang makakuha ng kanilang booster shot sa paglunsad ng PinasLakas Booster shot rollout na pinangunahan ng DOH. (EJFG, PIA Ilocos Norte)



Sa programang ito, maaari na ring magpabakuna ng ikalawang booster shot ang mga 50 taong gulang pataas at mga 18 taong gulang pataas na may comorbidities o mga nasa A3 category.
 
Pinangunahan ni Dr. Virgilio C. Mangapit, officer-in-charge ng PDOHO, ang seremonyal na pagtuturok ng ikalawang booster shot sa isang senior citizen at isang residente na bahagi ng A3 population.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mangapit ang kahalagahan ng pagpapa-booster shot.
 
"Ang mga bakunang ibinigay ng Laoag City Health Office ay nanggaling sa DOH and they were based on scientific studies kaya safe silang lahat. Lahat ng bakuna natin ay safe at epektibo," aniya.
 
Hinikayat naman ni Mayor Michael Marcos Keon ang mga eligible na residente na magpaturok na ng kanilang booster shot.
 
“If we want to ensure the safety of everyone, we must all get vaccinated. Sana, all of us understand this and all the people allow themselves to be vaccinated. There is a small part of the community that doesn’t believe in vaccination, kaya we have to educate them to help them understand the importance of getting vaccinated for the safety of the entire community,” ani Keon.
 
Dagdag pa ng alkalde na plano nilang magsagawa ng house to house vaccination drive para sa mga residenteng walang kakayahang pumunta sa mga ospital para magpabakuna laban sa COVID-19. (JCR/AMB/EJFG, PIA Ilocos Norte)

Isang ginoo na residente ng Laoag City ang kumuha ng kaniyang ikalawang booster shot sa LCGH sa pagbubuakas ng PinasLakas booster shot roll out nitong Martes (EJFG, PIA Ilocos Norte)

About the Author

Emma Joyce Guillermo

Job Order

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch