Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P27M halaga ng COVID-19 facility, itinurnover ng BARMM sa Maguindanao hospital

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Abot sa P27 milyon halaga ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 facility ang itinurnover kamakailan ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Datu Odin Sinsuat District Hospital (DOSDH) sa probinsya ng Maguindanao. Ito ang ika-13 kaparehong pasilidad na itinayo sa probinsya.

Natanggap ng DOSDH ang 100-bed capacity facility kasabay ng ika-30 anibersaryo ng ospital.

Sinabi ni Ministry of Public Works Minister Architect Eduard Guerra na ang nasabing pasilidad ay mayroong air conditioning units, television, security cameras, security fence, water system, at iba pang amenities.

Sa kabilang banda, ang Ministry of Health ay maglalagay din ng mga kwalipikadong kawani na manungkulan sa pasilidad. Naglaan din ng P1 milyon halaga ng buwanang budget ang ministry para sa operasyon ng ospital.

Kaugnay nito, sinabi ni Maguindanao Health Chief Dr. Elizabeth Samama na ang pasilidad ay pinondohan sa ilalim ng Bangsamoro Appropriations Act 2021 at contingency fund ng Office of the Chief Minister. (With reports from Bangsamoro Government).


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch