Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Makati City, available na ang 2nd booster shot para sa 50 y/o pataas at A3 category

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Umarangkada na ang pagbibigay ng second booster shot para sa Makatizens na may edad 50 pataas at kabilang sa A3 category, edad 18-49 with comorbidities.

Ayon sa pamahalaang lungsod, maaaring magpa second booster shot sa mga sumusunod na bakunahan sa lungsod:

Monday to Friday, 8 a.m. to 5 p.m.

  • San Isidro Health Center
  • Sta. Cruz Health Center
  • Tejeros Health Center
  • Cembo Health Center
  • East Rembo Health Center
  • Rizal Health Center

Monday to Friday, 10 a.m. to 6 p.m.

  • Ayala Malls Circuit

Tuesday to Thursday, 10 a.m. to 6 p.m.

  • SM Watsons

Tuesday to Saturday, 10 a.m. to 6 p.m.

  • San Lorenzo Place Mall

Ang mga kabilang sa A3 adults with comorbidities ay ang mga sumusunod:

  • Chronic respiratory disease
  • Hypertension
  • Cardiovascular disease
  • Chronic kidney disease
  • Cerebrovascular disease
  • Cancer or malignancy
  • Diabetes
  • Obesity
  • Chronic liver disease
  • Neurologic disease
  • Tuberculosis and chronic respiratory tract infection
  • Immunodeficiency state

Paalala rin ng pamahalaang lungsod na siguraduhing may apat na buwan na ang pagitan mula ng matanggap ang unang booster shot.

Samantala, patuloy din ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng second booster para sa A1 (Medical frontliners), A2 (Seniors) at A3 (Immunocompromised) categories.

Dalhin ang vaccination card, valid ID, at iba pang dokumento sa pagpapabakuna.

Para sa mahahalagang anunsyo, tumutok lamang sa opisyal na Facebook page ng lungsod https://www.facebook.com/MyMakatiVerified. (Makati City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch