Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Second booster para sa A3 category, 50 y/o pataas, umarangkada na sa San Juan City

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Nakabukas na ang registration para sa second booster shot para sa mga taga Lungsod San Juan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, maaari nang magpabakuna ang mga San Juaneñong kabilang sa A3 category (persons with comorbidities) na may edad 18-49 years old.

Ang mga sumusunod ay ang kabilang sa A3 adults with commorbidities:

o   Chronic respiratory disease

o   Hypertension

o   Cardiovascular disease

o   Chronic kidney disease

o   Cerebrovascular disease

o   Cancer of malignancy

o   Diabetes

o   Obesity

o   Chronic liver disease

o   Neurologic disease

o   Tuberculosis and chronic respiratory tract infection

o   Immunodeficiency state

Gayundin, maaari nang kumuha ng kanilang second booster ang kabilang sa general population na may edad 50 pataas.

Para sa qualified at nais magpa second booster, mag-register lamang sa https://bit.ly/39Bi7ri. Maaari ring i-scan ang QR code na matatagpuan sa Facebook page ng San Juan City (https://www.facebook.com/CityofSanJuanNCRPhilippines) para makakuha ng slot.

Hintayin ang text confirmation at schedule mula sa pamahalaang lungsod bago magpunta sa vaccination site.

Paalala rin na dalhin ang vaccination cards (1st at 2nd booster card) sa araw ng bakuna.

Para sa updates, patuloy na tumutok sa Facebook page ng pamahalaang lungsod. (San Juan City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch