Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Diffun PNP namigay ng libreng pabahay

DIFFUN, Quirino (PIA) - - Ipinagkaloob ng kapulisan ng Diffun Municipal Police Station sa lalawigang ito ang isang libre at bagong gawang bahay sa pamilya ni Argie Linean sa Sitio Pallutan ng Brgy. Liwayway.

Ayon sa Diffun Police Station, ang nasabing “Pabahay Project” ay nakalakip sa PRO2 Lingkod Bayanihan Pabahay Project program na nailunsad noong taong 2021 sa buong Rehiyon 2, na may layuning matulungan ang mga pamilyang kapos-palad na magkaroon ng libreng pabahay.

Ang nasabing Pabahay Project ay pinasimulan ng kapulisan ng Diffun sa pangunguna ni Police Major Juanito D. Balite, Jr, chief of police, sa tulong ng LGU Diffun, Sanguniang Panlalawigan, ibang stakeholders, Municipal Advisory Group, barangay officials, KKDAT at force multipliers.

Layon din ng programang maipakita ang malasakit at pagmamahal ng kapulisan na magbigay serbisyo sa komunidad.

"Ito ay isa sa mga paraan na makabawi sa inyong walang sawang suporta at tiwala sa ating mga kapulisan," saad ni Balite.

Ang pabahay project ay binasbasan ni Rev. Ronald L. Prieto, municipal Life Coach, kasama ang mga kapulisan ng Police Regional Office 2 na kinakatawan ni PCOL Mario P Malana, C, RCADD, mga kapulisan ng Quirino Police Provincial Office na pinangunahan nina PCOL Rommel Antolin Rumbaoa, provincial director, Police Lt. Col. Rafael U Pagalilauan, chief PCADU at ang local na pamahalaan ng Diffun na kinakatawan ni Vice Mayor Marlito G Corpuz.

Ang Diffun Police Station sa pangunguna ni PMAJ Juanito D Balite, Jr ay nagbigay ng libreng bahay sa pamilya ni Argie Linean mula sa Sitio Pallutan ng Brgy. Liwayway sa nasabing bayan. (Photo by Diffun PS)

Maliban sa pabahay, naghandog din ang kapulisan ng libreng gupit, grocery packs, seedlings at feeding program.

Samantala, ang Municipal Health Office na pinangunahan nina Dr.  Evelyn Villamar at Dr. Angel Lan Baloran ng DOH ay naghandog ng libreng medical at dental check-up, Covid 19 vaccination, flouride application, libreng toorhbrush, gamot, laboratory testing at TB sweeping. (MDCT/TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch