Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 2 dating rebelde, sumuko sa Puerto Princesa

2 dating rebelde, sumuko sa Puerto Princesa

Sina Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Director Roberto M. Bucad at ang dalawang dating rebelde. (Larawan mula sa PPCPO)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Boluntaryong sumuko ang dalawang dating rebelde sa mga kawani ng City Mobile Force Company ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), sa pangunguna ni Police Liutenant Colonel Victor Lacwasan sa Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City dakong 3:20 p.m. noong ika-4 ng Agosto.

Sa inilabas na spot report ng Police Camp BGen Efigenio C. Navarro sa Calapan City, Oriental Mindoro, ipinahayag ni PPCPO Director Roberto M. Bucad na ang mga ito ay sina “Ka JV”, 29 taong gulang na mula sa Sitio Little Caramay, Brgy. Magara, Roxas, Palawan, at “Ka Jetli” 31 taong gulang na mula naman sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan, Puerto Princesa City. Isinuko rin ni "Ka JV” ang isang Cal. 30 Carbine rifle na may kasamang siyam na bala.

Ang pagsuko ng dalawang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ay dahil sa pagsisikap ng mga intelligence unit ng PPCPO, sa pakikipagtulunagn sa Kapatiran ng Dating Rebelde (KADRE) at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Sa ngayon ay nasa pangangalaga sila ng PPCPO para isailalim sa ‘debriefing’ bago i-enroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Sa tala ng Police Regional Office Mimaropa, sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Police Brigadier Sidney S. Hernia, mayroon nang 98 sumukong CTG members simula Enero 1 hanggang Agosto 4, 2022.

Kaugnay nito ay patuloy na hinihikayat ni Hernia ang mga natitira pang mga CTG members na bawiin na ang kanilang katapatan sa CPP-NDF-NPA dahil tinitiyak aniya ng pamahalaan na may makukuhang tulong o benepisyo ang lahat ng dating mga rebelde kapag sila ay sumuko. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch