Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Puerto Princesa, lumahok sa Ironman Philippines exhibit sa Cebu

Puerto Princesa, lumahok sa Ironman Philippines exhibit sa Cebu

Sina Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, City Tourism Officer Demetrio Alvior at ibang kawani ng city government sa "booth" ng siyudad sa Ironman exhibit na ginaganap sa Cebu City. (Larawan mula kay Michie Hitosis-Meneses, CTO)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Sumali  ang City Government ng Puerto Princesa sa 70.3 Ironman Philippines exhibit sa Mactan Newtown, Cebu City na nagsimula noong August 4.

Ayon kay Michie Hitosis-Meneses, Senior Operations Officer and Promotions Marketing Chief ng City Tourism Office (CTO), nagbigay ng booth sa exhibit area ng Ironman ang organizer para maikampanya ang siyudad bilang susunod na destinasyon ng triathlon race.

Aniya, sa pamamagitan rin nito ay maipapakita ang mga magagandang pasyalan sa lungsod at mapakilala ang mga lokal na produkto tulad ng kasuy at South Sea pearl..

Samantala, kinumpirma rin ni Meneses na tumungo si Mayor Lucilo Bayron sa Cebu at iba pa niyang kasama para maobserbahan ang ginaganap na Ironman Cebu at magkaroon ng mga ideya para alam na ang mga gagawin kapag ginawa na ang 70.3 Ironman triathlon race sa siyudad sa buwan ng Nobyembre kasabay ng Puerto Princesa Underground River Day Celebration.

Kasama ng CTO sa Cebu ang mga miyembro ng asosasyon ng souvenir shops ng Puerto Princesa sa exhibit na magtatapos sa ika-7 ng Agosto 2022. (MCE)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch