Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong Provincial Health Officer kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Kinumpirma noong Agosto 8 ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Quezon si Dr. Kristin Villaseñor bilang bagong Provincial Health Officer na hahawak sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Quezon.

Sinabi ni Dr. Villaseñor sa kanyang pananalita sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan na nag-umpisa siya bilang public health manager sa ilalim ng Department of Health (DOH) at na-assign sa bayan ng San Francisco, Quezon.

“Tuloy-tuloy din po ang ginagawa nating  pagbabago sa serbisyo sa Quezon Medical Center at iba pang district hospital sa lalawigan ng Quezon na siyang prayoridad ngayon ni Quezon Governor Helen Tan,” sabi pa ni Villaseñor.

Bukod dito, malawakan din po ang kampanya ng ating pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng IPHO sa preventive at curative health programs ng IPHO.

Samantala, isa rin sa programang patuloy na isinusulong at pinalalakas ngayon ng IPHO ang pagbabakuna laban sa COVID-19 upang maibaba sa alert level 1 ang lalawigan.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Villaseñor na inalerto niya ang mga municipal health officer sa lalawigan ng Quezon upang palakasin ang kampanya laban sa dengue.

“Bantayan po natin ang pagkalat ng dengue sa mga bayan sa ating lalawigan  at gawin ang mga tamang pamamaraan upang makaiwas sa sakit na dengue,” ayon kay Villaseñor. (RMO/PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch