Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Implementing guidelines sa ‘PGH of South Luzon’ inaasahang ilalatag na ng DOH

LUNGSOD NG LEGAZPI, Albay (PIA)—Binubuo na ng Department of Health ang implementing guidelines sa batas na nagtataas sa antas ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) bilang general at sub-specialty na ospital.

Inaasahang ilalatag na ng DOH ang implementing rules and regulations (IRR) ng RA 11719 kasunod ng pagdaos ng public consultation nang nakaraang Hunyo 22 kung saan pinagtibay ng 61 na mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang panukalang IRR.

Pinapayagan ng batas ang ospital na dagdagan ang kapasidad ng kama nito mula 250 hanggang 800. Bago ang pandemya sa COVID-19, umaabot na sa 800 ang bilang ng pasyente na pinapapasok at ginagamot sa BRTTH.

Bilang general at sub-specialty hospital, mag-a-admit ang ospital ng lahat ng uri ng mga medical at surgical na kaso, at tutuon ito sa mga pasyenteng may matinding sakit na nangangailangan ng medyo panandaliang pangangalaga.

Kalakip ng pag-upgrade sa pasilidad at pagpapalawak sa serbisyo at kakayahang magserbisyo nito, kikilalanin na ang BRTTH bilang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC).

Sa naturang konsultasyon, sinabi ni DOH Assistant Secretary Francene Laxaman na bukod sa pagdami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa dating BRTTH, ang pagpapatupad sa RA 11223 o ang Universal Health Care Law ang pangalawa sa pangunahingh dahilan upang itaas ang antas ng serbisyo ng BRHMC.

Inaasahan ng pamunuan ng BRHMC sa pangunguna ni BRHMC Director Eric Raymond N. Raborar na maisasakatuparan na ang mga pagbabagong ito dahil sa matagumpay ang public consulatation at sa positibong pananaw ng mga kaagapay na sektor sa naturang konsultasyon.

Ang dating 10-bed capacity United States Army Hospital na itinayo noong 1918 ay naging 150-bed capacity ng ito’y maging Albay Provincial Hospital noong 1928. Sa bisa ng Republic Act 805, naging BRTTH ang naturang ospital at ngayon, isa na itong moderno at maipagmamalaking “Philippine General Hospital of Southern Luzon” ng mga Bikolano. (PIA5)


About the Author

Marlon Atun

Writer

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch