Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PH, Korea nagtutulungan para sa agri-mechanization

Photo by DA-AFID

LUNGSOD QUEZON (PIA) – Nakipagpulong kamakailan si Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary for Operations Engr. Arnel de Mesa sa mga miyembro ng Technology Advice and Solutions from Korea (TASK) Expert Mission sa pangunguna ni Dong Ho (Eric) Song ng Korea Agriculture Machinery Industry Cooperative (KAMICO) upang talakayin ang pagpapatupad ng TASK Program para sa Agricultural Machinery Industry sa bansa.

Nagpahayag ng pasasalamat si  De Mesa sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga Korean expert para sa modernisasyon ng mga makinang ginagamit sa pagsasaka sa bansa.

"We thank you for partnering with us as we aim to increase production through mechanized and modern farm systems. (Nagpapasalamat kami sa pakikipagsosyo sa amin dahil layunin naming pataasin ang produksyon sa pamamagitan ng mekanisado at modernong mga sistema ng sakahan)," aniya.

Binigyang-diin ni De Mesa na ganap na susuportahan ng DA ang buong pagpapatupad ng TASK Program upang mapabuti ang mga kapasidad ng manufacturing industry at produksyon sa Pilipinas, upang matugunan ang mga pandaigdigang pamantayan.

Nais ng proyekto, na popondohan ng Ministry of Trade, Industry and Energy (MOTIE) at ng Korea Institute of Advance Technology (KIAT), na ilipat ang Korean agriculture machinery technology upang makatulong sa paglutas ng mga teknikal na suliranin at tulungan ang pagpapabuti ng ginagamit na makina, pagpapabuti ng proseso, pagsuporta sa prototyping para sa lokal na makinarya sa agrikultura ng Pilipinas at mga kumpanyang nauugnay sa smart-farm.

Sama-samang ipinatupad ng DA-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Korea Association of Machinery Industry (KOAMI) at KAMICO ang proyekto na magbibigay ng teknikal na pagtuturo at mga konsultasyon, at magpapalawak ng kaalaman sa pinakamahuhusay na kasanayan sa mga benepisyaryo.

Sampung lokal na manufacturing agri-machinery companies ang pipiliin mula sa 20 kumpanyang na-survey na nakabase sa Pilipinas ang susuportahan ng programang TASK.

Mula 26-29 Hulyo 2022, ang Korean TASK Team, kasama ang PhilMech, ay nagsagawa ng onsite inspections, online at pisikal na pagpupulong kasama ang ilang Philippine Agri-machinery manufacturing companies bilang bahagi ng misyon. (DA-AFID / PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Feedback / Comment

Get in touch