Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SDO Tuguegarao: Tutukan ang mga batang nahihirapan magbasa

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang paglilinis ng paaralan kundi paghahanda din sa mga batang nahihirapang magbasa dahil sa kawalan ng face-to-face learning sa loob ng dalawang taon, ito ang mensahe ni Reynante Caliguiran ng Schools Division Superintendent ng Tuguegarao City sa ginanap na Brigada Eskwela Kick-Off Ceremony ng Atulayan Elementary School (AtES) ngayon umaga.

“Kahit kaaya-aya ang ating silid-aralan, kung ang ating mga estudyante ay mahirap magbasa maging sa arithmetic ay balewala ang pagsisikap ng ating mga guro,” ani Caliguiran, sabay sa paghimok kay Mercelino Madino, ang bagong school head ng ATES na bumuo ng stratehiya para mapabuti at tumaas ang literacy rate ng paaralan.

Hinikayat din niya ang mga local officials na hanapin sa kanilang nasasakupang barangay ang mga taong may kapansanan para magpatala sa Special Education at sa mga kabataan na nahihiyang makihalubilo sa mga regular ng mag-aaral na ipasok sa Alternative Learning School ng Department of Education.

“Alam nyo sa ALS [Alternative Learning School], mayroon tayong napagtapos na 84 years old dahil aniya ito ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pagaaral, nakaka-inspire ang kanyang kwento,” ani Caliguiran.

Dagdag ni Caliguiran, may ipatutupad silang bagong programa para maiwasan ang pagka-delay ng pagbili ng mga gamit sa bawat paaralan sa syudad na kung saan hindi na ang Bids and Awards ng naturang opisina ang bibili ng kanilang gamit kundi ibaba ng kanyang opisina ang budget sa pamamagitan ng prorated funds.

“Kayo na ang bahala bumuo ng Bids and Awards Committee sa inyong paaralan para mapabilis ang transaction at tutugon sa oras ng pangangailan ng inyong paaralan at dahil kayo mismo ang nakakaalam ng higit na kelangan ng iyong bawat mag-aaral at gadgets sa inyong paaralan,” ani Caliguiran.

Aniya, nais ni Caliguiran na lalo pang paghusayan ang literacy rate ng paaralan sa lungsod ng Tuguegarao na alingsunod sa agenda ng bagong halal na mayor ng lungsod, na sinabi niya noong kanyang inaugural address na “No Youth Left Behind.”

“Dahil sa pagbabago-bago ng panahon ay tumaas na din ang literacy standards; nais natin na ang mga mag-aaral ay mayroon silang good communication skills,” dagdag niya.

Samantala, ibinahagi ni Master Teacher I Naneth Calubaquib ang datos ng Phil-IRI Reading Materials (Filipino Graded Passages) ng AtES na kanilang isinagawa noong nakalipas na academic school year, sa 476 enrollees ay may 27 learners ang kanilang natukoy.

“Para sa 27 learners na mahirap magbasa ay magtatag kami ng summer classes ngayong school year at paigtingin pa ang adopt-a-learner program na kung saan tuwing hapon ay tutukan sila ng isang guro,” dagdag ni Calubaquib.

Sa kabilang banda, Inihayag ni Mayor Maila Ting-Que sa pamamagitan ng kanyang representative Councilor Boyet Ortiz, na nais ng bagong alkalde na magkaroon ng isang utility ang lahat ng paaralan na popondohan ng lungsod para panatilihin ang kalinisan ng mga paaralan.

Tulong-tulong ang mga guro at mga magulang bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayon Agosto 22.
Ginarantisa ni Konsehal Boyet Ortiz and suporta ng Tuguegarao City Government sa ATES.

Dagdag niya, tututukan na rin ng kanyang administrasyon sa pamamamagitan ng kanyang legal team ang adverse claims sa mga paaralan sa lungsod, na kung saan mayroong sampung adverse claims na nakahain sa kanyang tanggapan.

“Ang ating Mayor ay ayaw niya mangyari ang nangyari sa Atulayan Elementary School na kung saan ay kinuha ang almost kalahati na lupa ng paaralan dahil sa walang maipakita na dokumento noon. Pero sa ngayon ay nahanap na ang original documents na nagpapakita na ang lupa na ito ay donated by Tumaliuan clans,” ani Ortiz.

Matatandaan ang lupa ng AtES na nasasakupan ng gymnasium ay kinuha ng isang pribadong indibidwal noong nakaraang taon. (JKC/ADS/PIA Region 2)

About the Author

Alvin Delos Santos

Writer

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch