Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Centenarian sa Marinduque, pinarangalan at binigyan ng cash incentives

BOAC, Marinduque (PIA) -- Bilang pagbibigay pugay sa pagsapit ng ika-100 taong kaarawan, isang centenarian ang pinarangalan at binigyan ng cash incentives ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque kamakailan.

Ang nasabing senior citizen na naitala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) bilang bagong centenarian ay kinilalang si Lola Adela Sotto na kasalukuyang residente ng Barangay Tres sa bayan ng Buenavista.

Personal na iniabot nina Gov. Presbitero Velasco Jr. at Rep. Lord Allan Jay Velasco ang insentibo na nagkakahalaga ng ₱80,000 kalakip ang katibayan ng pagkilala kay lola.

"Tayo po ay nagpupugay sa makasaysayang kaarawan, dakilang mga nagawa at natatanging kontribusyon ni Lola Adela Reynoso Sotto sa ating lalawigan sa pagtataguyod bilang isang sentenaryo," ani Gov. Velasco.

Si Lola Adela na ipinanganak noong Disyembre 14, 1921 sa bayan ng Buenavista ay pinarangalan at binigyan ng cash incentives ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque. (Larawang kuha ni Romeo Mataac Jr./PIA)

Inaasahan namang makatatanggap din si Lola Adela ng ₱100,000 mula sa pamahalaang nasyunal, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016, habang ₱50,000 naman ang nakatakdang igawad ng lokal na pamahalan ng Buenavista.

Base sa tala ng Office of the Senior Citizen at pinatunayan ng kanyang birth certificate, si Lola Adela ay ipinanganak noong Disyembre 14, 1921 sa nabanggit na bayan. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch