Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga lokal na pamahalaan sa Batangas, kinilala sa pagtugon sa Tuberculosis

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Isinagawa ng Department of Health Calabarzon, Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at USAID ang pagdiriwang ng National Lung Month para sa buwan ng Agosto sa Cintai Corito’s Garden, Balete, Batangas noong ika-26 ng Agosto.

Kaugnay nito, kinilala ang iba’t-ibang mga lungsod at bayan na my natatangi at maayos na programa upang wakasan ang TB kabilang ang TB education para sa komunidad, TB screening sa gitna ng COVID 19, pagsasagawa ng contact tracing at pagpapatupad ng programa para sa TB Preventive Treatment hanggang sa pagbabantay at pag-aalaga sa mga pasyenteng sumasailalim sa gamutan ng TB hanggang sa tuluyan silang gumaling at maging TB-free.

Ipinagkaloob ang mataas na pagkilala sa bayan ng Alitagtag na nagsilbi sa populasyong 50,000 pababa  matapos makamit ang Case Notification rate at Treatment Success Rate. Kasama nitong kinilala ang mga bayan ng Tingloy, Sta. Teresita, San Nicolas, Balete, Mataas na Kahoy, Cuenca, San Luis, Taysan, Agoncillo at Laurel.

Para sa mga bayang may nagsisilbi sa populasyong may bilang na 50k hanggang 99k nakamit ng bayan ng Ibaan ang pinakamataas na pagkilala para sa Case Notification Rate at treatment Success rate habang kinilala din ang ibang mg abayan kabilang ang Tuy, Taisay, Mabini, Padre Garcia, Lian, Malvar, Taal, Calatagan, San Pascual, San Jose at Calaca.

Ibinigay naman ang pagkilala sa mga bayang nagsisilbi sa 100K populasyon para sa Case Notification Rate at Treatment Success Rate sa bayan ng Balayan at kasama din dito ang Bauan, Lemery, San Juan at Rosario.

Tinanghal ang Lipa City sa nagkamit ng pinakamataas na Case Notification Rate at Treatment Success rate sa mga lungsod kasama din ang Batangas City, Sto. Tomas City at Tanauan City.

Sa mensahe ni Governor Hermilando Mandanas, sinabi nito na napakahalaga ng ating mga frontliners at lahat ng lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga Batangueno na maiwasan at mabawasan ang kaso ng TB gayundin ang patuloy na paglaban sa pandemyang dulot ng COVID-19. Tiniyak din nito ang kanyang buong suporta a mga programang isinusulong upang tuluyan itong maiwaksi.

Ayon kay Jourette Claudette Cam, USAID Field Operations  Area Manager ang Lung Month ay ipinagdiriwang tuwing Agosto at isang paraan din upang ipaalala ang mga healthy practices na dapat gawin upang manatiling malakas at malusog ang ating mga baga.

“Sa loob ng dalawang taon na nilalabanan natin ang pandemya ay maraming mga sakit din tulad ng TB ang ating binibigyang-pansin kasabay ng pagsugpo sa COVID 19 at ngayong araw ito ay ating bibigyan ng pagpapahalaga. Isa ang TB sa 10 dahilan ng malimit na pagkamatay ng mga Pilipino. Ang USAID po ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Batangas Provincial Government at mga lokal na pamahalaan gayundin sa Department of Health Calabarzon at lahat ng Provincial/Municipal at City Health Offices para magsagawa ng extensive TB screening upang alamin kung maaaring magdulot ito ng naturang sakit sa kanila,” ani Cam.

Dagdag  pa nito, may ibinibigay na chest xrays sa mga komunidad para sa libreng chest x-ray at mga TB screening facilities. Nagbibigay din ng Technical assistance, logistical support at capacity buildings/trainings at orientation upang mas mapaganda pa ang mga programang kaugnay ng TB.

Ayon kay Dr. Evamarie Torio ng Center for Health Development Calabarzon, patuloy ang kanilang ahensya sa pagtulong upang labanan ang sakit na tuberculosis at maging sa mga drug resistant tuberculosis.

“Tuloy-tuloy ang ating paglaban sa TB kung kaya’t inilunsad natin ang iDOTS Phase 2 kung saan binibigyang pansin ang ating mga pasyente at ang serbisyo na maipagkakaloob sa mga tinatawang na Multi Drug Resistant Tuberculosis (MDRTB),” ani Torio. (MDC/PIA Batangas)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch