Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

QCinema International Film Festival, isang dekada na!

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng QCinema International Film Festival sa MiraNila Heritage House and Library Huwebes ng gabi.

Dumalo sa 10th year Kick-Off Celebration ang mga kawani ng pamahalaan na sina Movie and Television Review and Classification Board Chairman Diorella Maria "Lala" Sotto-Antonio at Film Development Council of the Philippines Chairman and CEO Tirso S. Cruz III.

Kasama rin ang mga lokal na opisyal ng lungsod Quezon na sina Vice Mayor Gian Sotto, Councilor Doray Delarmente, Councilor Dave Valmocina, Councilor Candy Medina, Councilor Aiko Melendez, Councilor Wency Lagumbay at mga opisyal ng executive department.

Kabilang sa mga bisita si Mr. Martin Macalintal, Cultural and Audiovisual Attaché - SCAC ng Embassy of France.

Simula nang ilunsad noong 2013, nakapag produce na ang QCinema ng 88 na mga pelikula, 38 dito ay full length films, 38 na short films, at 12 na dokyumentaryo.

Gaganapin ang taunang QCinema International Film Festival sa darating na Nobyembre 17 hanggang 26, 2022. (QC PAISD/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

National Capital Region

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch