Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Digital Film Fest Information tour, sinimulan na sa Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Sinimulan na ang Doon Po Sa Amin Sa Batangas Digital Film Festival 2022 Information Tour sa bayan ng Talisay na ginanap sa Club Balai Isabel noong ika-7 ng Setyembre.

Layon ng naturang aktibidad na mas mapalawig pa at maisulong ang paghikayat sa mga Batanguenong may natatanging galing sa paglikha ng mga short films na makilahok at maipakita ang ganda ng kultura, sining at iba pang maipagmamalaki sa Batangas.

Ang kauna-unahang Info Tour ay magkakatuwang na isinakatuparan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Batangas Forum for Good Governance and Development Association Inc., lokal na pamahalaan ng Talisay at pamunuan ng Club Balai Isabel.

Ayon kay Batangas Forum member at veteran actor/director Leo Martinez, mahalaga ito upang maipakita ang natatanging ipagmamalaki ng lalawigan mula sa mga lugar,pagkain,kaugalian,kultura,sining at iba pa ng mga Batangueno.

“Ang ating hangad ay mabawasan ang culture of negativity na malimit nating nakikita sa social media kung kaya’t ito ang amig nakikitang isang paraan na makakatulong sa atin upang mas bigyang pansin ang mahahalaga at maipagmamalaking yaman ng mga Batangueno at lalawigan ng Batangas,” ani Martinez.

Kaugnay nito, ibinahagi niya ang ilang kaalaman ukol sa paggawa ng maayos at presentableng video content material upang mas maipakita ang kwentong nais ipakita sa pamamagitan ng digital film.

Samantala, sinabi ni Talisay Mayor Nestor Natanauan na buo ang kanilang suporta sa naturang adhikain sapagkat sa kanila mismong bayan ay madaming kasaysayan at mga bantog na bagay o lugar na maaaring maging sentro ng film festival. Aniya,malaki ang maitutulong nito sa Turismo at pagkikilanlan ng bayan ng Talisay kung kaya’t hinihikayat nito ang lahat na makibahagi.

Nagpaabot din ito ng buong suporta sa naturang proyekto upang mas maging matagumpay at sinabing patuloy na isusulong nila ang public private partnership upang mas maging maayos at tagumpay ang lahat ng programa at proyektong kanilang patutupad.

Nagpahayag naman si Vice Governor Marc Leviste ng pagsuporta sa naturang programa.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay inilunsad ng PTCAO at Batangas Forum ang DPSA Digital Film Fest upang mahikayat ang pagpapakita ng ga Batangueno ng angking galing sa paglikha ng short film.

Nakatakda ding isagawa ang mga info tour sa iba pang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Batangas. (MDC/PIA Batangas)



About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch