Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Organic farmers, producers sa Kidapawan lumahok sa aktibidad kaugnay sa organic prod

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Lumahok nitong Huwebes ang mga organic farmer at producer sa lungsod sa isinagawang farmers field day at techno demonstration on organic production.

Layon ng aktibidad, na ginanap sa Barangay Macebolig, na mabigyan ng dagdag na kaalaman at makabagong pamamaraan sa organic production ang mga miyembro ng Kidapawan City Organic Practitioners and Producers Association o KOPPA.

Tampok sa field day at techno demo ang “Harvest Festival” ng KOPPA kung saan ipinakita ng mga kasapi ng asosasyon ang masaganang ani ng organic rice. Sinundan naman ito ng pamamahagi sa mga partisipante ng farming inputs tulad ng fertilizers at small farming tools mula sa Organic Agriculture Program ng Department of Agriculture o DA XII.

Sa kabilang banda, ginanap din ang induction of officers ng City Agriculture and Fisheries Council o CAFC ng Kidapawan. Nanumpa naman bilang presidente ng CAFC si Allan Masibay.  (With reports from CIO-Kidapawan)

About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch