No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

30 MSMEs tumanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa DTI

May 28 food processors ang pinagkalooban ng DTI OccMdo ng mga gamit sa kanilang negosyo sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program. (MIO San Jose)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Pinagkalooban kamakailan ng Panlalawigang Tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI OccMDo) ng livelihood kits, na nagkakahalaga ng P8,000 bawat isa, ang 30 Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula bayan ng San Jose, sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG).

Ang PPG ay isa sa mga programa ng DTI na tumutulong sa mga MSMEs na muling makapagsimula matapos maapektuhan ng kalamidad at pandemya.

Ang livelihood kits na tinanggap ng 28 MSME na may kaugnayan sa food processing ay naglalaman ng mga pangunahing gamit o sangkap tulad ng harina, asukal, toyo, mantika, kawa at iba pa, samantalang dalawa namang MSME na ang negosyo ay handicrafts ang tumanggap ng mga non-food items tulad ng welding kits at grinder, at scented oil para sa gumagawa ng scented candles.

Ayon kay Julie Anne Bangisan ng DTI OccMDo, pinag-aaralan ng ahensya ang kondisyon ng MSMES at kailangang makatugon ang mga ito sa mga rekisitos na itinatakda ng programa bago maging benepisyaryo. Kabilang aniya sa tinitingnan nila ay kung rehistrado ba ang isang MSME sa DTI o sa Barangay at kung may dalawang taon na ang operasyon nito bago pa tinamaan ng pandemya o kalamidad.

Sa mga nakalipas ng panayam kay Nornita Guerrero, DTI OIC Provincial Director, ay ipinaliwanag nitong ang pondo mula sa PPG ay hindi para sa mga nagsisimula pa lamang bagkus para sa mga may pinapatakbo nang negosyo. Aniya sa PPG, at iba pang kaparehong programa, mga gamit ang ipinagkakaloob ng DTI at hindi cash assistance, upang masunod ang layon ng programa. (VND/PIA MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch