Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

30K tilapia fingerlings, pinakawalan sa communal water ng isang bayan sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) - Bilang bahagi ng ika-59th National Celebration Fish Conservation month na may temang “Pagkain ng Bansa Siguraduhin, Likas- Kayang Produksyon ng Isda Isulong Natin,” pinakawalan ang 30,000 tilapia fingerlings  sa communal water ng 22 barangay sa Bayan ng Bulan nitong September 16, 2022.

Ayon kay Michael Verchez, techical staff ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang aktibidad ay ginagawa bawat taon sa buwan ng Septyembre.

Ang mga isda ay maaaring umabot sa anim na buwan bago anihin. Ang anim na piraso ay tumitimbang ng 1 kilo kapag nasa communal water.

Payo ni Verchez na pangalagaan ang mga ilog at huwag pabayaang madumihan ito upang malagyan ito ng mga isda na maaaring makatulong sa pang araw-araw na pang-ulam.

Layunin ng programa na madagdagan ang mga isda sa communal water at matulungan ang mga residenteng mahihirap na magkaroon ng mapagkukunan ng maiiulam.

Naisagawa ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng Union for Social Welfare and Advancement for Good Government Bulan Sorsogon (USWAG) sa tulong ng BFAR at Department of Agriculture.

Hiling ng mga kasapi ng USWAG-Bulan na iwasan ang pagkukuryente sa mga isda at illegal na pangingisda tulad ng paglalason.

USWAG Bulan members

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch