Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bloodletting activity at jobs fair, isinagawa sa Puerto Princesa City

Bloodletting activity at jobs fair, isinagawa sa Puerto Princesa City

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA)--Nagsagawa ng bloodletting activity at jobs fair ang tanggapan ng Bise-Mayor ng Puerto Princesa City na ginanap sa SM City Puerto Princesa noong September 19, 2022. Ito ay kasabay ng 60th birthday ni City Vice-Mayor Nancy Socrates.

Kinumpirma  ni Philippine Red Cross-Palawan Chapter OIC Head Agnes Tabinga, na nasa 225 bags ng dugo ang kanilang nakuha sa bloodletting activity.  Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang dugo ay ang mga kawani ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, PNP Maritime, barangay at SK officials.

Hinikayat naman ni Vice Mayor Socrates na siya ring Board of Director Chairman ng PRC Palawan Chapter ang lahat na magsagawa rin ng mga kahalintulad na aktibidad lalo na ng bloodletting activity sa tuwing sasapit ang araw ng kapanganakan para makatulong sa mga nangangailangan ng dugo..

"Literal, makapagliligtas ka ng buhay, diba dahil hindi naman ako mangangailangan ng dugo kung hindi ako nasa bingit ng kamatayan diba, kaya ‘yong  ibibigay mo sa aking dugo, maliligtas ang aking buhay, talagang totoo diba” giit pa ng Alkalde.

Ang mga aplikante sa naganap na Jobsfair noong September 19, 2022 sa SM City Puerto Princesa City kasabay ng pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni City Vice-Mayor Maria Nancy Socrates. (Larawan ni Mike Escote, PIA Palawan)
Ang mga nagbigay ng dugo sa bloodletting activity noong September 19,2022 sa SM City Puerto Princesa kasabay ng ika-60 kaarawan ni City Vice-Mayor Maria Nancy Socrates. (Larawan ni Mike Escote, PIA Palawan)

Masaya rin niyang ibinalita na taon-taon ay naglalagay ang Pamahalaang Panlunsod ng P4.8 milyon sa Philippine Red Cross-Palawan Chapter para ang mga residente ng Puerto Princesa City ay wala nang babayarang  ‘processing fee’  na ginagamit sa pagsusuri para matiyak na ligtas ang dugo  kung saan aniya ang pinakamura ay P1,000 at ang pinakamahal  ay P15,000 per bag depende sa ‘component’ ng  kailangang dugo.

Samantala sa ginanap na jobs fair, nasa 19 na kompanya ang nakiisa sa pakikipagtulungan sa City Public Employment Service Office (PESO). Ayon sa Bise-Alkalde, nakakatuwa na marami ang mga nag-aplay subalit nakakalungkot rin dahil ibig sabihin nito ay marami ang walang trabaho.

Kabilang sa mga trabahong bukas ay ang sa hotel and resorts, health care services, Information technology, BPO at maraming iba pa.  Sa tala ng City PESO, umabot sa 399 ang aplikante kung saan 21 ang na-hire on spot habang ang iba pang kwalipikado ay naghihintay ng kanilang final interview sa mga susunod na araw.

Dahil aniya sa tagumpay ng aktibidad ay gagawin na niya  na  dalawang beses sa isang taon ang dalawang aktibidad na magkasabay. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch