Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtulong sa mga mag-aaral sa Bicol, inilunsad sa CamNorte

DAET, Camarines Norte (PIA) – Inilunsad sa Camarines Norte ang proyektong magbibigay ng tulong sa mga kabataang mag-aaral mula sa mga mahihirap na pamilya sa kabikulan.

Kaugnay nito, 19 na kabataang mag-aaral ang agad na ginawaran ng certificate of scholarship at tumanggap ng mga kagamitan sa eskwela at iba pang pangunahing pangangailangan sa pag-aaral. Ang mga benepisyaryo ay mula sa ibat-ibang munisipalidad ng Camarines Norte.

Sa pamamagitan ito ng Tabang sa Aki na Nangangaipo, Ginhawa asin Liwanag Ang Maitatao para Wakasan ang pagtios, Giya sa Pag-asenso (Project T.A.N.G.L.A.W) na inilunsad kasunod ng flag raising ceremony sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) kahapon, Setyembre 19.

Ang Project T.A.N.G.LA.W ay isa sa flagship program ni Acting Regional Director PBGen. Rudolph Botengan Dimas ng Police Regional Office (PRO5) na nakalinya rin sa kasalukuyang programa ni Chief PNP PBGen. Rodolfo S. Azurin Jr. na tinatawag na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran (M+K+K=K).

Layunin ng proyekto na mabigyan ang mga bata sa kanilang mga kailangan na tulong sa pag-aaral upang maisakatuparan ang munting pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ayon kay CNPPO Provincial Director PCol. Antonio C. Bilon, Jr., ito ay isang programa upang gawing handa ang mga kabataan sa mga oportunidad na ibinibigay ng mga Pulis Bantayog habang hinihubog sila ng kinakailangang pagdidisiplina at pagmamalasakit sa kapwa sa murang edad.

Aniya, ang pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga batang mahihirap na kapos sa kanilang mga pangunahing pangangailangan ay mas kailangan na pagtuunan ng pansin.

Ang naturang gawain ay pinagtulungang maisagawa ng mga personahe ng Family Juvenile Gender and Development Section ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) ng CNPPO. (PIA5/Camarines Norte/tumulong sa ulat ang tanggapan ng CNPPO)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch