Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

49 paaralan sa BARMM nakatanggap ng E-library kiosks mula sa MOST

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)-- Abot sa 49 paaralan mula sa iba’t-ibang mga lugar sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakatanggap kamakailan ng e-library kiosks o kilala sa tawag na STARBOOKS mula sa Ministry of Science and Technology (MOST) ng BARMM.

Ang starbooks ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa siyensya, teknolohiya at mga makabagong imbensyon.

Dahil maaaring gamitin kahit walang internet, mas mapapakinabangan umano ito ng mga mag-aaral at guro sa malalayong lugar kung saan mahina o hindi abot ng internet.

Layunin din ng proyekto na maiangat ang learning environment at educational competence ng mga estudyante sa rehiyon.

Ang STARBOOKS ay maaari ring ma-access online sa pamamagitan ng pag-download ng STARBOOKS Online Mobile App sa Google Play Store o mag-register sa https://www.starbooks.ph. upang ma-access ang libu-libong impormasyon sa Science, Technology, and Innovations (STI) nang libre.

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch