Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong mga opisyal ng PCL Batanes Chapter, inihalal

BASCO, Batanes (PIA) - -Inihalal at nanumpa na ang mga bagong opisyal ng Philippine Councilors League- Batanes Chapter kamakailan sa Boulder Bay Residences Brgy. San Joaquin Basco, Batanes.

Ito ay pinangunahan ni incumbent Chapter President Will Lee Gabotero kasama ang PCL Commission on Elections na binubuo ng mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government , Office of the  Sangguniang Panlalawigan at isang interim officer na siyang tumulong upang  maging maayos  ang nasabing eleksyon.

Ang ginawang paghahalal  ay nasaksihan din ng mga kinatawan ng PCL National.


Matapos ang proklamasyon ng mga nanalong officers ay agad din silang nanumpa sa harap ni Batanes Governor Marilou Cayco.

Bago magsimula ang paghahalal ay tinalakay muna ng  DILG Batanes ang mga election guidelines upang ma-orient muna ang mga miyembro ng PCL sa prosesong kanilang gagawin.

Nanalo bilang PCL President si Francisco Castillo ng Basco , Bise Presidente si Anthony Ortiz ng Uyugan, Secretary General si  Jeanna Mae Barcelona ng Ivana, Auditor, Benedicta Balasbas ng Mahatao PRO o Press Relation Officer si Arthur Tabig ng Mahatao at Business Manager naman si Carla Cordel ng Basco.

Nahalal namang mga Federation Directors sina Benny Fajardo, Myron Valenciano, Jonel Villa, Zenas Labrador, Nestor Pacuno, at Christopher Cataluna.

Matapos ang eleksyon at  proklamasyon ng mga nanalo mula Presidente hanggang Federation Directors  ay agad ding nanumpa sa harap ni Governor Marilou Cayco ang mga ito. (OTB/CEB/PIA BATANES/ Photos from DILG Batanes)

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch