Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BARMM may pinakamalaking ambag sa fisheries production ng bansa

BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim

COTABATO CITY (PIA) -- Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nangunguna sa buong bansa kung ang pag-uusapan ay fisheries production. 

Sa inagurasyon ng Bangsamoro Transition Authority 2022 - 2025 nitong Huwebes iniulat ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tagumpay na nakamit ng rehiyon. Kabilang na rito ang ambag ng BARMM sa sektor ng pangingisda. 

Ayon kay Ebrahim, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang fisheries production sa buong bansa sa Second Quarter ng 2022 ay umabot sa 1,213.31 metriko tonelada. 

Sa naturang bilang 346.42 metriko tonelada o 28.6 percent ay nanggaling sa BARMM, na nag-angat  sa autonomous region bilang "largest contributor" sa fisheries production sa buong Pilipinas.

Ipinagmalaki rin ni Chief Minister Ebrahim na sa taong 2021, nakapagtala ang BARMM ng 7.2 percent na pag-angat sa produksyon sa agrikultura at pangingisda.

Sa kabuuang ekonomiya ng bansa, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pumapangalawa sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas may pinakamabilis na pag-angat sa ekonomiya, ayon sa opisyal.  

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch