Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Delinquent employers, target ng SSS RACE Campaign

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Isinagawa ng Social Security System (SSS) sa tatlong magkakasunod na araw ang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign mula ika-14 hanggang 16 ng Setyembre sa lalawigan ng Batangas.

Ang kampanya ay isinagawa sa tatlong magkakaibang lugar kabilang ang Batangas City, Balayan at Sto. Tomas City.

Ayon kay Francisco Paquito Lescano, Acting Head SSS South Luzon 2 Division, layon ng aktibidad na maipagpatuloy ang naunang kampanya ng ahensya noong Mayo 2022 upang masala at maisaayos ang mga records at kontribusyon ng mga miyembro nito.

Aniya, isang paraan ito upang ipaalala sa mga employer ang kanilang obligasyon.

Kabilang sa mga business establishments na binisita ang mga sumusunod: calibration services; vehicle inspection and testing center; auto supply; trading; bakeshop; emission testing center; dental clinic; restaurant; pharmacy; encoding and online payment center; hotel; funeral parlor; aluminum and glass supply; furniture shop; construction; food and beverages; auto care shop at iba pa.

Sinabi naman ni SSS Lipa Branch Head Joseph Pedley Britannico na binibigyan ng pagkakataon ang mga establisimyento na i-settle ang kanilang obligasyon upang maisaayos ang records at membership dues ng kanilang mga empleyado.

Matatandaang nagsagawa na ng naunang RACE Campaign ang  ahensya noong Mayo 2022 at ito ang ikalawang beses na nagsagawa sila ng kaparehong aktibidad. (MDC/PIA Batangas)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch