Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tourism Job Fair tampok sa pagdiriwang ng Tourism Month sa Santiago City

SANTIAGO CITY (PIA) - - Isinagawa kahapon ng pamahalaang lungsod na ito sa pamamagitan ng Public Employment Service Office at City Information Culture and Arts & Tourism Office ang Tourism Job Fair na dinaluhan ng 173 na aplikante. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ‘Buwan ng Turismo’.

Ayon  kay Atty. Nikki Jane Isla, OIC PESO manager ng lungsod , taun-taong itong isinasagawa ang nasabing aktibidad upang makatulong sa mga mga naghahanap ng trabaho sa kanilang tanggapan hindi lamang ang mga Santiaguenyo kundi  bukas sa lahat ng nangangailangan ng trabaho.

Tiniyak ni OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane Isla sa mga job seekers na kaisa ng mga ito ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng PESO, sa paghahanap ng maayos na trabaho.

“Ang PESO po sa pangunguna po ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Atty. Alyssa Sheena P. Tan ay patuloy pong makikiisa sa inyo, kaisa po ninyo kami sa inyong paghahanap ng maayos na trabaho para po sa inyong maayos na pamumuhay dito po sa lungsod ng Santiago,” ani Atty. Isla.

Umabot sa 17 employers ang nakibahagi na kinabibilangan ng Shakey’s Pizza, Toyota isabela, Chowking/Red Ribbon, Palawan Pawnshop. Savemore, Santiago Commercial Center, KFC/AK Corporation, Dmaya, Isabela Zen Hotel & Restaurant Corp., Cheers Tradestar, Home Credit, at iba pa.

Ayon pa kay PESO Manager Isla, umaasa ang pamahalaang lungsod  na sa pamamagitan ng Tourism Job fair ay mahanap ng mga job seeker ang trabahong pagkakakitaan at mamahalin dahil nagagamit talaga nila  ang kanilang kasanayan at malasakit sa trabaho.

“Para naman sa employers natin, sana ay mahanap nila yung swak na tao para sa mga mga posisyong bakante at kung sino man yung kanilang makuhang mga tao ay mapaunlad pa nila lalo, hindi lang yung pamumuhay nung tao, kundi pati na rin yung karakter ng mga ito dahil ito naman ang gusto natin, yung may growth and development din sa loob ng kumpanyang pinagtatrabahuan,” dagdag ni Atty. Isla.

Samantala, laking pasasalamat ni Mary Joy T. Suguitan bilang kauna-unahang hired on the spot o HOTS bilang front-desk-officer sa Isabela Zen Hotel and Restaurant Corp.

“Napakagandang oportunidad po talaga ito na dinaluhan po namin kasi hindi lang po ito nakakatulong sa ating butihing Santiago City kundi sa am`in pong mga naghahanap ng trabaho, lalo na po sa akin, isa po akong fresh graduate, gusto ko na po makatulong sa aking mga magulang bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo,” saad ni Suguitan. (OTB/TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch