Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Adbokasiya ng pangangalaga sa MPAs ng Palawan, sinuportahan ng DA-BFAR

Lumagda si DA-BFAR Assistant Director for Operations Sammy Malvas ng Pledge of Commitment sa pagsuporta ng BFAR sa mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan hinggil sa pangangalaga ng MPAs sa naturang probinsya. (Larawan mula BFAR Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Nagpahayag ng suporta ang Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa mga layunin, programa, at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan upang mapangalagaan ang mga Marine Protected Areas (MPAs) sa naturang lalawigan.

Sa isinagawang 2nd Palawan MPA Summit, tinalakay ang mga epektibong pamamaraan upang higit na mapangalagaan ang MPAs base sa mga stratehiya kalakip ang masusing pag-aaral. Tinalakay din ang estado ng pangisdaan sa lalawigan.

Upang higit pang pagtibayin ang adbokasiya na mapangalagaan ang MPAs sa Palawan, inihain ni Governor Dennis M. Socrates ang Action Plan kay DA-BFAR Assistant Director for Operations Sammy Malvas. Hinulma ang Action Plan sa pamamagitan ng pagkonsulta ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba't-ibang sektor; partikular sa mga mangingisda ng lalawigan upang magkaroon nang maayos na pagtatasa ng mga hakbangin sa hinaharap.

Sa mensaheng ibinigay ni DA-BFAR Asisstant Director for Operations Malvas binigyan niya ng importansya ang kahalagahan ng pakikipagtuwang at pagkonsulta sa iba’t-ibang sektor pagdating sa mga ganitong usapin, aniya, “resulting from consensus-building and with inputs from scientists, local officials, fisherfolk leaders and other stakeholders, I am confident that the strategies we have identified under the action plan are timely and relevant. It is designed to unlock the potentials of our marine protected areas in bringing lasting and inclusive progress to coastal communities in FMA 5.” Binigyan niya ring diin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa mga isinusulong na mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa ikauunlad ng mga ito.

Kabilang din sa mga dumalo sa 2nd Palawan MPA Summit ay sina Rebekah Eubanks, USAID - US Agency for International Development Deputy Mission Director, Dr. Romeo Cabungcal, Palawan Provincial Agriculturist, Thomas Kaluzny, USAID Deputy Chief and Environment Officer, at Dr. Nygiel Armada, Chief of Party of the USAID Fish Right Program. (JJGS/ PIA MIMAROPA)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch