Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Coastal Clean-up drive sa barangay Lazareto, pinamunuan ng kapulisan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Set. 22 (PIA) – Isinagawa ngayong umaga ng PNP Regional Maritime Unit - 4B (RMU4B) ang coastal clean-up drive sa baybayin ng Barangay Lazareto sa lungsod na ito bilang pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan at mga baybayin sa buong lalawigan.

Sa panayam ng PIA-OrMin kay RMU4B OIC Regional Chief, PLtCol Johnny Tumambing, sinabi niya “Layunin namin sa aktibidad na ito ay makatulong na maisaayos at malinis ang mga baybayin partikular ang bio-diversified coastal areas sa buong rehiyon. Sa pamamaraan din nito ay mas dadami pa ang mga marine species kapag malinis ang karagatan at marami pang mahuhuling iba’t-ibang uri ng isda at lamang dagat ang ating mga mangingisda.”

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si RMU4B OIC, PLtCol Johnny Tumambing (kaliwa) sa mga nakiisa sa kanilang hangarin na tulungan ang mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybaying dagat, hindi lamang sa lungsod kundi sa buong rehiyon. (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Isa din anya itong pamamaraan upang maturuan ang mga tao na nakatira sa mga baybayin na lumikha ng mga posibleng solusyon sa matagal nang problema sa solid waste sa mga lokal na lugar sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura sa mga dalampasigan at daluyan ng tubig.

Hinihikayat pa ng grupo ang mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran. (DN/PIA-OrMin)

Makikitang sumisikat pa lamang ang araw ay nagsimula ng maglinis ang mamamayan ng Brgy. Lazareto sa lungsod ng Calapan at kawani ng BJMP ng baybayin sa isinagawang coastal clean-up kamakailan. (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Dagdag pa ng opisyal, ang nasabing gawain ay naglalayon din na mapalapit ang kapulisan sa komunidad upang makatulong sa kalinisan, pamumulot at pangangalap ng mga basura sa lugar kasama ang ilang mga tagapagpatupad ng kaayusan at katahimikan sa bansa tulad ng Calapan City Police Station (CPS), Regional Forensic Unit Mimaropa, Police Drug Enforcement Group (Special Operations Unit 4B), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Non-Government Organizations (NGOs), mga benepisyaryo ng 4Ps at opisyales ng barangay.

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch