Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Industriyang Apiculture, pinalakas sa Pangasinan

SAN NICOLAS, Pangasinan (PIA) – Sa layuning palakasin ang industriyang Apiculture sa lalawigan ng Pangasinan, lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas at ang Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) nitong Setyembre.


Ang Apiculture ay salitang teknikal para sa beekeeping. Ito ang pagmimintina at pangangalaga  ng mga bee colonies na karaniwang isinasagawa sa man-made hives.


Pinangunahan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang nasabing programa kasama amg mga konsehal ng munisipyo at tauhan ng Municipal Agriculture Office at ang mga kinatawan ng National Apiculture Research Training and Development Institute (NARTDI) ng DMMMSU.


“I am so much moved by the way the officials of DMMMSU warmly welcomed us into their institution. I truly appreciate the invaluable experience we had,” bahagi ng alkalde. 


Dagdag pa niya, “The whole duration of the tour was like an educational field trip as we gained knowledge on basic beekeeping including inspection of an actual bee colony and it was so informative."


Bago ang paglagda, ang San Nicolas beekeeping team na binubuo ng SB Committee on Agriculture, Malico Indigenous People Organization (MIPO) at Municipal Agriculture Office (MAO) ay nagsagawa ng apiary visitation.


Ang pagsasanay sa pag-aalaga ng mga pukyutan or beekeeping para sa mga Indigenous People ng Barangay Malico noong Agosto 30 at 31, 2022, ay sinagot na ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas kasama ang kanilang mga gastos sa tirahan at transportasyon.


Dahil dito, labis ang pasasalamat ng MIPO sa napakalaking suporta ng gobyerno partikular na sa programang ito sa pag-aalaga ng pukyutan.(JCR/JPD/RPM, PIA Pangasinan)

About the Author

Odie Mamaril III

Writer

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch