Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kampanya kontra nakawan, palalakasin sa Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Inihayag ni  Police Colonel Ledon Monte, OIC Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office  sa idinaos na “Kapihan sa PIA Quezon sa lungsod ng Lucena noong Setyembre 21 na paiigtingin ng kanilang tanggapan ang kampanya kontra nakawan.

Ayon kay Ledon, katulong ng kapulisan ang publiko sa pagsugpo  at pagkontrol  sa nakawan at iba pang uri ng krimen na nangyayari sa lalawigan.

“Dapat pong mag-ingat ang ating mga kababayan sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon at huwag bigyan ng opurtunidad ang mga masasamang loob na makapagnakaw sa mga bahay,” sabi ni Ledon

Ayon pa kay Ledon, mas mataas ngayon ang bilang ng kaso ng nakawan sa lalawigan ng Quezon habang mababa naman ang kaso sa illegal na droga.

Samantala, palalakasin din ng Quezon Police Provincial Office ang kampanya sa pagsusuot ng helmet sa hanay ng mga motorista sa buong lalawigan at huhulihin ang sinumang lalabag dito.

Layunin nito na makaiwas sa anumang sakuna  ang mga nagmomotor sakalit magkaroon ng vehicular incident  sa mga pangunahing lansangan.

Sinabi pa ni PD Ledon na magiging angat ang  mga pulis sa Quezon  dahilan sa katangian nito na palaging nakangiti  at tapat sa serbisyo. (RMO/PIA Quezon)



About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch