Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kaunaunahang OTOP Kiosk sa Batanes, binuksan sa Sabtang

SABTANG, Batanes (PIA) – Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Batanes ang kauna-unahang One Town One Product Kiosk kamakailan sa Pasalubong Center sa bayan ng Sabtang.

Ang OTOP Kiosk ay isang maliit na bersiyon ng OTOP Hub na nagtatampok ng iba’t-ibang uri ng produkto mula sa lalawigan. 

Ito rin ay isa physical retailing outlet para sa mga gawang lokal na produkto na matatagpuan sa bayan ng Sabtang at sa probinsiya tulad ng bawang, turmeric (powder, capsule and tea) , “wakay” o sweet potato (lengua, chips, and hopia) roasted peanuts, taro chips, sugar cane, wine, vinegar at iba’t-ibang mga-uri ng  handicrafts tulad sumbrero, pamaypay, pouches, purses, bags, mats, ladle at iba pa.

Tampok din dito ang  mga gawa sa sabtang na kagamitan sa pagsasaka  tulad ng  “vakul”, “kanayi” at “tubho”.

Ribbon Cutting Ceremony kasama sina Sabtang Mayor Prescila Babalo at DTI Batanes OIC Provincial Director Ellerie Ramel

Ayon kay DTI R2 Batanes Provincial Information Officer Shane Karenza Alexia B. Horlino ang OTOP Kiosk ay sub-component ng One Town One Product ng DTI na nagbibigay ng  marketing avenue para sa mga local MSMEs upang ipakita ang kanilang  locally made products . Ayon pa sa kaniya ang paglulunsad ng OTOP Kiosk sa Sabtang ay hindi lang para maipakita ang mga ipinagmamalaking mga produktong gawa sa sabtang kundi para maipakita rin ang mga produktong gawa sa buong probinsiya.

Samantala ibinahagi naman ni  DTI R2 Batanes OIC Provincial Director Ellerie Ramel ang planong gawing full blown OTOP Hub Pasalubong Center ang OTOP Kiosk sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Sabtang at ng Tourism Office.

Hinikayat niya ang mga Micro Small and Medium Enterprises na lalo pang pagbutihin ang pag proseso at paggawa ng  mga makabagong produktong kayang makipagsabayanan sa mercado bago pa ang buong pagbubukas ng turismo sa probinsiya.

Nagpasalamat naman  si  Sabtang Mayor Prescila A. Babalo sa DTI sa kanilang mga programa at pagsisikap na matulungan ang mga local MSMEs upang isulong ang kanilang mga produkto. (OTB/CEB/PIA BATANES/Photos from DTI Batanes)

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch