Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

"Kalakal Quezon featuring bamboo", binuksan sa Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon-  Pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI)- Quezon Provincial Julieta L. Tadiosa gayundin ni Engr. Russel Alegre, Assistant Mall Manager ng SM City Lucena at ilang mga hepe mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan ang pagbubukas ng “Kalakal Quezon featuring Bamboo” noong Setyembre 21 sa SM City Lucena.

Ayon kay PD Tadiosa, may 14 na exhibitors  mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ang lumahok sa “Kalakal Quezon featuring Bamboo”.

“Layunin po ng aktibidad na ito na mapaunlad ang industriya ng kawayan sa pamamagitan ng pagtuturo ng paglikha ng  “by products” mula sa kawayan.

Sinabi pa ni Tadiosa na ang bayan ng Pagbilao ay maraming mga tanim na kawayan kung saan malaki ang maitutulong nito sa paglikha ng trabaho at pag generate ng income sa mga taga Pagbilao at maging sa mga karatig-bayan nito.

Sinabi pa ni Tadiosa na sa programang ito, ituturo din ang tamang pagtatanim ng kawayan at magkakaroon din ng pagsasanay sa paggawa ng handicrafts, furnitures at mga food products mula sa kawayan.

Sa paksang “Industriyang Kawayan, para sa Paglago  ng Ekonomiya at kalikasan, nais ng DTI- Quezon na maging katuwang ng pamahalaan  ang mga magsasaka at maging ang mga interesadong mamamayan sa lalawigan sa paglago ng industriya ng kawayan.

Ang Kalakal Quezon ay magtatagal hanggang sa Setyembre 26, 2022. (RMO/PIA-Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch