Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Malasakit Center itinayo sa Tagkawayan

TAGKAWAYAN, Quezon- Pinasalamatan ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan si Senator Bong Go sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Maria L. Eleazar General Hospital sa bayan ng Tagkawayan noong Setyembre 15.

Ayon kay Gov. Tan, malaking tulong sa mga mahihirap na pasyente sa bayan ng Tagkawayan at maging sa mga karatig-bayan nito ang pagkakaroon ng Malasakit Center upang maibsan ang mga gastusin .

“Hindi na dapat maging habambuhay ang sitwasyon ng mga pasyenteng kinakailangang pang lumuwas o bumiyahe sa Maynila at iba pang malalayong lugar para lamang malunasan ang karamdaman” sabi pa ni Gov. Tan

Sinabi naman ni Senator Go na ang Malasakit Center sa bayan ng Tagkawayan ay pang ika-152  Malasakit Center sa buong bansa na naitayo.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar kay Sen. Go at Gov. Tan sa paglalagay ng center sa bayan.

Sa pamamagitan nito ay mahihikayat na ang maraming residente dito sa Tagkawayan na magpagamot upang gumaling ang kanilang karamdaman” sabi pa ni Mayor Eleazar

Kasabay nito ay binuksan na din ang operasyon ng bagong gusali  ng Maria L. Eleazar  General Hospital sa Tagkawayan  na pangangasiwaan  ng hepe ng ospital na si  Dr. Reynaldo  Florido (RMO/PIA-Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch