Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PBBM, balik-Pinas na mula sa matagumpay na US trip

Photo credit: AFP

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo ng umaga matapos ang kaniyang matagumpay na 6-day working visit sa Estados Unidos.

Lumapag ganap na 6:09 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo at ng kanyang delegasyon.

Ayon sa Pangulo, naging matagumpay ang kanyang pagpunta sa US, at nasiyahan siya sa naging resulta ng kanyang paglalakbay.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na nakamit niya at ng kanyang delegasyon ang layunin ng kanilang paglalakbay, ang makipagpulong sa maraming American business leaders, gayundin ang mga lider ng ibat ibang bansa.

Inihayag ng Pangulo din ng kanyang mga naging aktibidad tulad ng pakikipagkita sa Filipino communities at nagpasalamat siya sa mga OFWs doon sa kanilang mga naiaambag sa ekonomiya ng bansa sa kabila ng sakripisyo na malayo sa kanilang pamilya.

Sa kanya namang naging talumpati sa 77th UNGA, sinabi ng Pangulo na binigyang diin niya ang partisipasyon ng bansa sa pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

Nabanggit di ng Pangulo ang kanyang pag imbita kay UN Sec Gen. na bumisita sa bansa.

Sa kanyang mga bilateral meetings, sinabi ng Pangulo na kabilang sa tinalakay niya ang food security, energy security, at climate change.

Nabanggit din ng Pangulo na inihayag niya ang priorities and plans ng kanyang administrasyon sa susunod na anim na taon.

Sinabi pa ng Pangulo na binigyang diin niya sa mga naka meeting niyang investors na ngayon na ang magandang panahon upang mag invest ang mga ito sa Pilipinas. (PIA-NCR)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch